▪23

838 45 96
                                    


Caitlyn's POV

(A/N: Too many pictures and GIFS. I hope it's fine. Enjoy! ♡)

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa byahe. Pag-gising ko nalaman kong nakapatong nanaman ulit ang ulo ko kay Sir Hoseok. Pangalawa na yun self ha.

Tapos hindi niya rin binitawan yung mga kamay ko. Kung iisipin talaga, mukha kaming magjowa. Hindi sa assuming ako pero kung ako makakakita ng magkasamang ganito iisipin ko agad na magjowa sila.

"Caitlyn, nandito na tayo." bulong naman sakin ni Sir Hoseok kaya dali dali akong lumayo sakanya. Tumango ako at nakita kong bumababa na din yung lima ng van. Excited daw masyado.

Tinulungan akong bumaba ni Sir Hoseok at sinubukan niyang hawakan ulit ang kamay ko pero bago niya magawa ay nauna na agad akong maglakad palapit sa iba pang mga staff. Narinig kong tinawag niya ko para hintayin siya pero hindi ko siya pinakinggan.

Nakita ko si Miyen kasama ang ibang staff at makeup artist. Agad ko siyang tinawag kaya napatigil siya sa pagaayos ng makeup. "Wa! Caitlyyyyn~!"

Lumapit siya sakin at yumakap. "Actually hindi ko agad naisip na sasama ka nga pala sa shooting. Nakabalik ka na!" aniya ng nakangiti. Napakamasayahin talaga nitong si Miyen.

"Sus, ako pa ba? Trabaho ko 'to Yen. Kaya talaga lang dapat na nandito ako haha." ani ko. Tumango nalang siya at nginitian ulit ako. "Oh siya, nasaan na yung pito? Magstastart na daw pag-shoot. Aayusan ko na sila." aniya. Tumingin ako sa paligid para hanapin din yung pitong yun. Oo nga pala.

"Ay sige ako nang bahala. Tawagin ko lang." paalam ko sakanya bago umalis at hanapin yung pito.

Medyo napalayo na yata ako dahil malapit na ko sa bandang dagat na may mataas na bagay na pwede mong talunan. Nakakatakot naman dito.

"Nasaan na kaya yung pito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nasaan na kaya yung pito.." tanong ko sa sarili pero natigilan nung may nakita akong nakaupo sa harang nung dagat. May tao pala dito?

Hindi ko alam pero bigla nalang akong lumapit sakanya. Baka kasi malungkot siya tapos maisipang tumalon diba at least masasave ko pa- Ay.

Habang papalapit sakanya ay napansin kong lalaki 'to. Medyo kinabahan pa ko. Pero mukha naman yata siyang mabait. Naramdaman niya din yatang papalapit na ko kaya lumingon siya agad.

"Oh? Caitlyn."

Nanlaki ang mga mata ko. Anong ginagawa ni Taehyung dito?

"S-Sir Tae? Ikaw pala yan?!"

"Obvious ba? Dejoke. Hinahanap mo ba ako?" tanong niya.

"Obvious din ba?" pabalik kong tanong sakanya. Bawian lang yan. Nakita kong natawa siya bago ako tinawag para lumapit.

"Upo muna tayo dito. Hindi pa naman yata magstastart yung shooting."

"Actually Sir-"

"No. Mamaya na. Amo mo naman ako. Sundin mo nalang." aniya at naramdaman ko ding seryoso na siya kaya tumahimik nalang ako bago umupo sa tabi niya.

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon