▪1

3.2K 64 9
                                    


Caitlyn's POV

"Oh eto na yung sweldo mo." ani Mr. Song sakin sabay abot ng pera.

"Huh? bakit parang ang aga naman sir?" Next week ko pa kasi dapat makuha yung sweldo ko. "Nandyan na lahat ng sweldo mo for this month. Last nayan."

"H-huh?! Ba-bakit po-"

"Magsasara na ko Caitlyn. Humihina na yung sales ng restaurant ko. Kaya thank you nalang and I'm sorry. You worked hard." nakangiting sabi ni Mr. Song bago pumasok na sa kanyang kotse.

3 taon na kong nagtatrabaho sa kanya. Simula kasi ng pinalayas ako ng tatay ko sa amin natuto na kong buhayin ang sarili ko.

Habang papauwi ako sa lumang apartment ko, biglang tumunog yung phone ko kaya sinagot ko kung sino man yung tumatawag. Nakakatamad kasing tignan kung sino yun kaya sinagot ko nalang agad.

"BESHIEEEEE!!!" Sigaw ni Hyesoo sa kabilang linya.

"ANO BA?! WAG KANGANG SISIGAW BIGLA BIGLA NAKAKABINGI KAYA?!" Sigaw ko pabalik.

"Oh! Easy bat galit agad? ah nga pala musta naaa?"

"Okay lang naman.." tamad kong sagot.

"Hala? Bakit parang ang lungkot mo? Nung meron be?"

"Nagsara na kasi si Mr. Song. So basically wala nakong trabaho. Hays pano na ko mabubuhay nento."

"Hala? Weh?! Wait parang yung kapitbahay namin yung pinagtatrabahuan niya nangangailangan ng... " pagtigil ni Hyesoo.

"Ng ano? Sige na Hyesoo kailangan ko talaga ng trabaho-

"Ng Yaya."

"H-ha?! Seryoso ka?! Hyesoo naman eh di ako nagbibiro." gulat na sagot ko.

"Seryoso ako! Gusto mo bukas punta na tayo dun sa pinagtatrabahuan niya?!"

"H-huh eh Hyesoo baka-

"Ah okay sige sige prenny sabihan ko na si Tita okay? Tapos bukas magready ka na maaga tayo dun nakakahiya kay Tita eh. Goodnight beshie mwaah! luvyu bye! "

"Pero Hyesoo-

"You're welcome!"

"Ya!-

/CALL ENDED

"Aish!" Nakakabwisit din tong kaibigan ko eh hays.

Paguwi ko ay kumain at naligo na ako bago pumasok sa kwarto ko.

Siguro okay na rin yun. Kahit naman papano trabaho parin yun. Sana naman maging maayos lahat. Para maging proud na sakin si Papa at tanggapin ako.

Napaluha ako at tumuloy na yun sa pagiyak hanggang sa makatulog nalang ako ng hindi ko namamalayan.

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon