Caitlyn's POVPag-gising ko agad na sumakit ang ulo ko. Pero pati rin ang katawan ko?
Dinilat ko na ang mata ko at nagulat ako nang makita kong katabi ko si Taehyung na nakayakap sa akin. "AAAAH!"
"AAH- Caitlyn teka!"
Bigla akong nahulog sa kabilang side ng kama dahil sa gulat ko at biglaan kong pagtayo. "Shit." mariin kong bulong.
"Sabi kasi sayo teka lang eh. Mageexplain ako please calm down." aniya. "Kalma naman ako ah!"
"Kalma ka ba sa lagay na yan? Nahulog ka pa nga sa kama dahil sa gulat mo. Halika nga." inabot niya ang kamay niya at agad ko naman iyon kinuha para makatayo at pumatong sa kama.
"Okay. So explain. Bakit nandito ka sa kwarto ko? Bakit- Shit wait, KWARTO MO BA'TO-"
"Sshh! Kwarto mo 'to ano ba. Tsaka wag kang sisigaw. Baka malaman nila Hyung na nandito ako sa kwarto mo. So maybe, mamaya nalang muna ako magexplain. Mahabang kwento." aniya habang nakatakip ang kamay niya sa bibig ko.
Agad kong tinanggal iyon, "Okay! So bakit ka nga nandito sa kwarto ko ulit?" parang tanga kong tanong sakanya.
Napabuntong-hininga siya bago sumagot. "Kakasabi ko lang eh." kaya tumango nalang ako bago napatingin sa buong kwarto at iniisip kung anong nangyari kagabi.
Shit, ginawa ba namin yun?
Wait, kung yun nga edi sana wala akong- Tangina ano ba'tong naiisip ko!
"By the way, kung ano man yang naiisip mong nangyari dito is hindi at never nangyari okay?" biglaan niyang sabi kaya napatingin ako agad sakanya. Medyo nahihiya na ko ah.
"At kung nangyari man yun, don't worry kasi palagi akong protektado-"
"TMI sir!" pagputol ko sa sasabihin niya. Napasarado agad siya ng bibig niya at dahan-dahang tumango.
Awkward na natulala kami sa iba't ibang sulok ng kwarto ko na'to. Mabuti nalang talaga at nalinis ko'to kahapon. Edi sana nakikita niyang nakakalat lang mga- nevermind.
"S-So mauna ka munang lumabas kung lalabas ka na. Kasi baka makita ako nila na lumabas sa kwarto mo. Alam mo naman yung mga yun." aniya.
"O-Okay. Sige po. Sunod ka nalang sir." tumayo na ko at lumabas ng kwarto. Paglabas ko naman walang tao kaya sinenyasan ko na si Taehyung na sumunod na agad saakin.
"Dahan-dahan!" mahina kong sigaw sakanya dahil muntik siyang madapa sa pagmamadali niya.
"Wag kang maingay!" mahina niya ring sigaw saakin at nakarating na rin siya sa pintuan. Dahan-dahan naming isinara ang pinto para hindi ito gumawa ng kahit anong ingay.
"Ako na nga magsasara baka magingay ka lang." bulong na utos niya saakin. "Sir ako na ito na oh malapit na." bulong ko pabalik para kaming mga tanga.
Naisarado na namin ang pintuan ng tahimik at sabay kaming napabuntong-hininga.
"Anong ginagawa niyong dalawa diyan?"
Agad kaming tumalikod para makita kung sino yung tumawag kaya nagkauntugan kaming dalawa. "Ah!" "Aray!"
Napataas ang kilay ni Sir Hoseok habang nakatingin siya samin. "Wala naman hyung, ah ano lang yung pinto, ano yung ano lang-"
"Akala ko lang po kasi Sir na may sira yung doorknob ko kaya pinatingin ko lang po muna kay Sir Tae.." Awkward na napatingin saakin si Taehyung bago tumingin ulit kay Sir Hoseok. "Oo nga yun nga."
"Ah, okay. Pwede mo naman patingin sa iba-"
"Wag na!"
Sabay naming isinigaw ni Taehyung dahilan para manlaki din ang mga mata namin. "Hmm? Bakit naman? Kailangang sumigaw?"
BINABASA MO ANG
Love Passed By | BTS Tagalog Fanfiction
FanfictionWelcome, first time with BTS? highest rankings: #1 - tagalogfanfiction #1 - sajin #1 - twicemomo #3 - btstagalog #5 - tagalog-english | Hirai Momo as Park Caitlyn and BTS as themselves.| ^started: May 4, 2019^ (still on-going) - a low...