▪35

622 33 163
                                    


Caitlyn's POV

"One, two, three--- and pam, pam daradam-- pam!"

Kasalukuyang nagpapractice yung pito para sa performance nila sa BBMA. Balita ko rin malapit na birthday ni JK kaya mag-aadvance celebration narin kami.

"Okay guys! Good job! Pahinga muna." ani Sir Hoseok. They all sighed. Kumuha ako ng apat na bote ng tubig at tatlo naman ang hawak ni Miyen.

Inabot ko kay Taehyung, Jungkook, Sir Hoseok at Yoongi ang hawak ko. Nagpasalamat naman sila. Lumipat ang tingin ko Miyen at nakita kong nag-uusap sila ni Sir Jin. Bigla naman hinawakan ni Sir ang braso niya. Hmmmm.

Nag-paalam na siya at lumapit sakin. I elbowed her. "Ikaw ha." Napakunot ang noo niya. "Eh? Bakit?"

"Napapansin ko kasi close kayo ni Sir Jin. Actually bagay kayo yiee--"

"Ya! Hindi ah. Lahat naman sila kaibigan ko. Normal lang 'yun. Ang issue mo." aniya at hinampas ang braso ko. I chuckled. "Pero seryoso, bagay kayo. Comfortable naman kayo with each other."

She rolled her eyes. "Whatever Cait, h-hindi ako gusto ni Sir Seokjin.." Tumango nalang ako. Sigh.

"Ey, last practice let's go." pag-aya ni Sir Hoseok kaya lahat sila pumunta na sa position nila at nagsimulang sumayaw.

Sa kalagitnaan ng practice nila ay naisipan kong asarin ulit si Miyen. Kaya nung part na ni Sir Jin sa kanta ay sikreto akong tumingin sakanya.

Habang nanonood pala ay nakatitig lang ang mata niya kay Sir Jin. Ngumi-ngiti pa nga. Sus, indenial pa kanina obvious naman na crush niya si Sir.

I chuckled and sighed. "Ikaw talaga Lee Miyen." Napatingin naman siya sakin and we both laughed.

Seokjin's POV

Natapos ang practice at pumunta na kami sa mga kwarto namin. Pagkatapos magbihis naisipan kong lumabas muna dahil boring dito sa loob.

Binuksan ko ang pinto at nagulat nang makita ko si Miyen na nasa labas. "Ay put--, anak ng tokwa naman Miyen ginulat mo 'ko."

Nanlaki ang mata niya at agad siyang yumuko. "Pasensya na po Sir. Pinapaabot lang po kasi nung isang stylist yung susuotin niyo po para bukas." aniya at inabot ang isang bag.

I nodded. "O-Okay. Pero, ang alam ko dapat nasa dressing room lang 'to? Bakit niyo binibigay agad sakin?"

Her eyes widened again kaya nagtaka ako. "Ya, Lee Miyen. Sabihin mo nga yung totoo?" Lumapit ako sakanya at umiiwas naman siya ng tingin.

"U-Uh, kasi S-Sir.. gusto kong malaman kung seryoso ba kayo sa sinabi niyo k-kanina.." she stuttered.

"Oh. Yung sa p-practice?" paninigurado ko. Tumango naman siya. I sighed. Hinila ko siya papasok sa kwarto ko at sinarado ang pinto.

"Dito tayo sa loob. Ayokong may makarinig ng pinag-uusapan natin." sabi ko. She nodded pero hindi parin nakatingin sakin.

I sighed once again. I held her chin at itinaas ito para pantay ang tingin namin. I locked eyes with her.

"Miyen, seryoso ako kanina. Gusto kita..."

Her eyes widened at medyo lumayo siya. Pero hinawakan ko ang braso ko at nilapit ulit sakin. "I mean gusto kitang ilabas." paglilinaw ko.

Naramdaman ko namang kumalma siya kaya nabawasan ang kaba ko. "So, okay lang ba sayo?" tanong ko.

She smiled. "Alright sir." My eyes widened. I immediately hugged her. "Thank you." I whispered. Yumakap naman siya pabalik which made me smile.

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon