▪31

686 36 153
                                    


Caitlyn's POV

Pagkatapos ng isa at kalahating boring na oras natapos na rin ang meeting ni Ma'am Seoyeon na puro lang naman pag-hawi ng buhok sigh.

Nagpalakpakan na ang lahat at yung iba lumabas na ng kwarto, nabored din siguro.

Paano ba naman kasi. Sa kada tanong ng ibang members dito lalo na si Yoongi na mukhang gusto na rin matapos ang meeting, nags-sweet voice siyang sumagot like what? Seryoso ka ba Ma'am.

Muntik na nga akong makatulog pero napigilan ko dahil hinawakan ni Sir Hoseok yung kamay ko sa ilalim ng lamesa namin. Kapag napapapikit ako, pinipisil niya ang kamay ko para magising ako.

"Pilitin mong idilat yang mata mo Cait, baka mapansin ka. Pahiyain ka pa ulit dito. Ayoko nang mangyari ulit 'yon."

Nung binulong niya yun hindi na talaga ako inantok, natakot ako eh.

At sa wakas nga, natapos na. Pagkalabas namin nagstretch at humikab ng malakas si Taehyung. "Woo! Buti natapos na yun, parang torture na pilitin kong hindi makatulog eh." tawa niya.

"Ssh! Baka marinig ka, patay tayo." saway sakanya ni Sir Jin at natawa nanaman kami.

Naglalakad kami nang bigla namang nagsalita si Jungkook. "Hoseok-hyung,"

"Hm?" sagot niya. "Wala na tayo sa meeting at hindi narin inaantok si noona.." aniya.

Napakunot ang noo ni Sir Hoseok pati rin ako. Napatingin naman kaming dalawa sa kamay naming magkahawak parin pala, kaya agad kaming bumitaw.

"O-oh, sorry."

Ngumiti nalang ako. Nagpatuloy kami na parang walang nangyari kasi hindi naman yata nakarinig yung iba dahil nauna na silang naglakad kaysa samin.

Pero paano nalaman ni Jungkook na yun ang dahilan bakit hinahawakan ni Sir Hobi yung kamay ko?

"Wait."

Biglang pagtigil ni Sir Namjoon habang nakataas ang kamay niya kaya natamaan si Taehyung sa mukha.

"Aray pu- Hyung!" he whined. Mahinang kaming natawa ni Sir Jin at Hoseok.

"Nasaan si Suga-hyung?" pagharap niya samin. Nanlaki ang mata ko at tinignan ko ang paligid. Huh? Hindi pala namin siya kasama?!

"Wow, hindi ko napansin na hindi natin siya kasama." ani Jimin. "Palagi naman kasi siyang tahimik." dagdag ni Jungkook at natawa naman sila.

"Seryoso, nasaan si Sir Yoongi?" tanong ko.

Yoongi's POV

Damn.

'Yun ang pinakaboring na meeting na naattendan ko. Please wag niya nang uulitin 'to.

Pero kahit na matagal at nahilo ako sa meeting niya, hindi ko makakalimutan na nalaman ko ang pinagawa niya para sa assistant namin.

At hindi ko rin makakalimutan na siya yun.

Kaya paglabas namin hindi na ko sumabay at nagpaalam sa kanila at nagdiretso na agad ako sa office ni Cho- I mean, Seoyeon. Ms. Seoyeon.

Pagkarating ko roon ay wala parin siya kaya pumasok nalang ako sa office niya. Bukas yung pinto eh.

"Ang tanga naman." bulong ko. Sino ba naman kasing mag-iiwan ng office niya na bukas yung lock?

Pagpasok ko naglibot muna ako. Agad ko tuloy namiss si Manager Sejin. Sigh.

Napatingin ako sa cabinet niya at nakita ko ang isang picture frame na medyo nakatago kaya hindi halata. Kinuha ko yon at tinignan ko. Black and white kasi at luma na.

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon