/////////////
(BTW CONGRATS NGA PALA SA BANGTAN! 40 DAESANGS AND SA GRAMMYS AND SA JAMES CORDEN AND SA LAHAT LAHAT NA! WE'RE SO PROUD! LUVYU BOYS! 💜)
/////////////
Taehyung's POV
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Seokjin hyung dahil hindi nga kami makatulog tapos inutusan pa ni Seokjin hyung si JK bumili sa labas. Hays kahit kailan talaga.
"Tagal ni Kook, nasaan na yun?" tanong ni Jin hyung samin kaya napangiwi ako. "Kakaalis niya lang diba hyung? Wag excited." sagot ko sakanya.
"Baka natraffic?"
"Jimin, walang traffic ngayon since magaalas-dos na nga ng umaga."
"Edi wow Tae, may time limit ba traffic ha?" sagot ni Jimin ulit sakin. Ayaw magpatalo amputek.
"Umayos nga kayo. Nakakadagdag lang kayo sa gutom ko." mataray na reklamo samin ni Jin hyung kaya natahimik nalang kaming tatlo.
Nasaan na ba kasi yung batang yun?
Third Person's POV
"Noona?" mahinang tanong ni Jungkook sa dalawang babaeng nakita niya na nakasandal sa ilalim ng poste. Nagdadrive na kasi siya pauwi nang makita niya ang dalawa.
"Eh?" nagtatakang tanong ni Caitlyn.
"Oh?! Caitlyn noona ikaw pala yan?" nanlaki ang mata ni Jungkook nang marealize niya. "Hmm? Ah, oo ako nga- TEKA? JUNGKOOK?!" gulat na sigaw ni Caitlyn sabay hinawakan ang magkabilang braso ni Jungkook para matignan ito ng maayos. Magkapantay na kasi sila.
"A-ah, ako nga noona. Anong ginagawa niyo dito?"
"Nagpapahinga obvious ba." biglang bumitaw si Caitlyn sa pagkahawak kay Jungkook at saka sumandal ulit na parang walang isang Jeon Jungkook na nasa harap niya ngayon.
at nahuli pa silang natutulog sa kalsada.
"Bakit ba kayo dito natutulog? Teka, lasing ba kayo?!" tanong ni Jungkook sakanila pero wala sa sariling tumango lang si Caitlyn. Napakunot ang noo ng binata bago napabuntong hininga. "Halina kayo, ihahatid ko kayo sa apartment niyo."
Mabilis na umiling si Caitlyn sakanya pero umiling din pabalik si Jungkook. "Hindi. Sasabay kayo sakin. Mahirap na. Halinaaa!" pilit na itinatayo ng binata ang dalawa lalong lalo na si Hyesoo.
"Lasing din ba 'to si Hyesoo?" tanong ni Jungkook. Narinig ni Hyesoo iyon at mabilis ding umiling sakanya.
"Dwi aku laseng! Baka ikaaaaaw~" sabay pagcling ni Hyesoo kay Jungkook habang tinutulungan niya itong tumayo para makapasok sa sasakyan.
"Oo nga eh. Hindi ka nga lasing." sarkastikong sagot niya kay Hyesoo bago ito pinaupo na sa likod ng sasakyan. Nagpout nalang si Hyesoo pero di kalaunan nakahiga na din siya at natulog.
Napabuntong hininga nalang si Jungkook sa inasta ng dalaga, kapag nadumihan kasi yang upuan ay malalagot siya kay PDnim at kay Manager Sejin. Pero hindi na niya ito inisip dahil mas may pakialam siya sa kalagayan ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Love Passed By | BTS Tagalog Fanfiction
FanficWelcome, first time with BTS? highest rankings: #1 - tagalogfanfiction #1 - sajin #1 - twicemomo #3 - btstagalog #5 - tagalog-english | Hirai Momo as Park Caitlyn and BTS as themselves.| ^started: May 4, 2019^ (still on-going) - a low...