▪27

661 27 53
                                    


Caitlyn's POV

Nagising ako na puro puti at tahimik ang paligid ko.

Nanlaki ang mata ko ng marealize kong nasa hospital ako. Pero bakit?

Hinanap ko ang mga nakasama ko nung time na yun at ang nakita ko lang ay si Jungkook na nakahiga sa sofa.

"J-Jungkook."

Bahagya siyang lumingon. "Oh?- Shit, noona!"

Agad siyang tumayo at nagtakbo papunta sa akin. "Aray! Dahan-dahan!"

"Okay ka na ba?" tanong niya.

"Mukha ba kong okay Kook? Literal na nasa hospital ako oh?" sarkastiko kong sagot dahilan para matawa siya. "Noona naman."

"So bakit daw ako nandito?"

"Kasi may sakit ka? Literal na nasa hospital ka oh?" pangagaya niya sa akin kaya hinampas ko siya. "Ow! Ito na nga eh."

"Nahimatay ka obviously. At sabi ni Doc dahil lang daw yun sa stress. Pero may nakita pa silang ibang nangyari daw sayo eh, parang overdose daw? Ewan about sa gamot yun eh teka."

Natigilan ako. "G-Gamot? Anong gamot?"

Nanlaki ang mata niya. "Ah yun! Pills daw."

Pagkarinig ko noon ay agad nawala ang ngiti ko. Shit.

"Bakit noona? Umiinom ka pala ng pills? Sabi kasi ni Doc hindi nila matukoy kung anong pills yun pero masama daw ang effect noon sa katawan mo kaya nahimatay ka." aniya.

Umiling ako. "Ah, wala lang yun. Wag ka nang mag-alala." ngiti ko ulit sakanya and tumango naman siya. Buti naman.

"N-Nasaan na yung iba?" Pag-iiba ko ng topic para mawala na ang awkwardness dito.

"Ah kasi nung nasabi na samin ni Doc yung nangyari bumalik sila sa building para asikasuhin yung bago naming album. Next month na kasi yun. Pero babalik narin yata sila-"

"Jungkookie! Gising na ba siya?"

Narinig naming mga sigaw mula doon sa hallway ng pintuan. "Well, bumalik na nga."

"Cait!" sigaw ng lima papunta sakin. Tinulak pa nga ni Jimin si Jungkook dahilan para mahulog ito sa sahig. Poor boy.

"Kamusta ka na? Nahihilo ka pa ba? Tatawagin ko si Doc-"

"Sir Jin, ayos lang po ako haha." sagot ko kaya binitawan na niya ang noo ko dahil sinapo niya yun kanina.

"Ya! Pinakaba mo kaya kaming babae ka! Akala namin dahil sa amin kaya ka nahimatay. Buti nalang nasalo ka ni Yoongi kundi bagsak ka talaga. N-Nagpanic kami eh." Nagaalangan niyang sagot kaya natawa kami.

Pero si Sir Yoongi? Sinalo ako? Wow, palakpakan.

"Tss, ginawa ko lang yun dahil sa side ko siya natumba. Syempre hindi ko hahayaang mahulog siya sakin. Edi nadaganan ako?"

Okay na wag palakpakan. Pakisapak please.

"Ang harsh mo Yoongi hyung." Tulak sakanya ni Jimin. "Aray puta- Gusto mo bang ikaw sunod na mahimatay ah?"

"Sabi ko nga." Tumayo si Jimin at tumabi na kay Sir Joon na napailing nalang sakanila.

"Magpahinga ka muna Cait. Since sabi ng doktor dahil sa stress 'to." Paalala ni Sir Namjoon but I protested,

"Hindi po pwede yun sir! Tsaka kaya ko na rin naman. Hindi naman malala 'to."

"Ang kulit ah? Oh sige, kung yan ang gusto mo." Sigh, parang kayo hindi makulit ah.

Tumahimik sandali at biglang nag-ring ang phone ni Sir Jin. "Hello?"

"Uh? Ma'am? Yes, It's Kim Seokjin. Bakit po?"

Napatingin lang kami sa kanya habang kausap niya na yata si Ms. Seoyeon. Syempre hindi ko naririnig yung sinasabi sa kabilang linya kaya si Sir Jin lang ang naririnig namin.

"Si C-Caitlyn? Nasa hospital po kami ngayon Ma'am. Nahimatay po kasi siya kanina-"

"P-Po? Agad-agad? Pero nagpapahinga pa po siya?-"

"Okay Ma'am. I'm sorry. Babalik na po kami." aniya at ibinaba niya ang phone. Napabuntong-hininga siya at tumingin sakin.

Alam ko na kung anong pinagusapan nila.

••••

"Sure kang kaya mo pa ah? Pwede namang iexcuse ka namin-"

"Sir Seokjin, pinapatawag po ako ni Ma'am Seoyeon kahit na alam niyang nasa hospital ako. Hindi po ba obvious na importante yata?" ani ko pero nagbuntong-hininga lang siya.

Nakarating na kaming dalawa sa harap ng office ng manager. Yung anim kasi nagpatuloy sa pagtatrabaho.

"Samahan kaya kita sa loob?" aniya kaya nahampas ko siya ng bahagya. "Sir naman. Kaya 'ko na'to." Ngiti ko kaya ngumiti narin siya.

Kumatok na siya at nakarinig kami ng mahinang "Come in."

Binuksan ni Sir Jin ang pinto at nakita kong nakaupo siya sa upuan niya at nagla-laptop.

"Oh? Seokjin-" she smiled pero nang makita niya ako ay nawala agad iyon. "And uhm, Ms. Caitlyn. Pasok kayo."

"Uh, nandito na po si Caitlyn Ma'am. M-Maiwan ko na kayo." paalam ni Sir Jin at tinapik ako.

"Goodluck ah." bulong niya kaya nagthumbs up lang ako at sinarado na niya ang pinto.

Kinakabahang humarap ako sakanya at ngumiti. "Pinapatawag niyo daw po ako Ma'am?"

"Yes. Uhm, I would like to apologize sana, sa nangyari this morning. That was so unprofessional. So I'm sorry." she smiled.

"Actually Ma'am, It's okay! Kasalanan ko naman po talaga.

"Well, mabuti. And I would like to ask you a favor sana. It's kinda like a promotion." aniya kaya nanlaki agad ang mata ko. "M-Ma'am?"

Tumayo siya at lumapit sa akin bago nagcross-arms. "I know na kaya ka nagtratrabaho to this big company kasi you have financial problems. So, to help you with that. You need to agree with my deal."

I gulped. "W-What is it po Ma'am?"

"Be my assistant too."

Nanlaki ang mata ko. Ano?!

"Wait po?"

"Diba ikaw na rin ang P.A ng BTS? Then, mas lalaki pa ang sahod mo kung papayag kang maging assitant ko rin. Ayaw mo noon? Marami kang pera?" Itinaas niya ang kilay niya.

Hindi ko alam kung maooffend ba ako or ano. Pero- bakit?

"Ma'am h-hindi ko po kung anong isasagot ko." nahihiya kong sagot.

"Well, It's up to you. Tinutulungan na kita. Ayaw mo pa." she shrugged her shoulders.

"T-Teka lang po. Ibig sabihin po ba noon ay magtatrabaho narin po ako para sa kumpanya na'to?" tanong ko.

"Well, as an assistant. Yes."

Natigilan ako. Bigla kong naisip ang pwedeng mangyari kapag pumayag ako dito.

Mas gaganda ang buhay ko at baka hindi ko na kakailanganin pang mag-alala. Lalo na kay papa.

"Deal?"

Inangat ko ang tingin ko sakanya.

"Deal."

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon