Prologue
"TABI! TUMABI MUNA KAYO!", wala akong pakealam kung maraming tao ang nababangga ko at nagrereklamo sa'kin.
Maraming estudyante ang nagtitipon sa gym kung saan nagmumula ang gulo sa pagitan ni Felix at Charles. Hindi nabago sa'kin yung mga nangyayari pero nakakabahala lang kasi parang napapadalas ang away nila.
Dati kilalang matalik na magkaibigan ang dalawa, parang kapatid na nga ang turingan pero sa di inaasahang pangyayari, nagbago ang lahat.
"excuse me," hingal na hingal akong nakarating sa gym.
Ang tanging naabutan ko lang ay ang pag-awat ng mga estudyante kina Felix at Charles. Putok ang labi ni Felix at may pasa siya sa pisnge, samantalang si Charles naman ay walang galos. Gusto pa sanang sumugod ni Charles mabuti na lang at inawat siya.
"kawawa naman si Felix"
"bakit kasi nag-umpisa pa ng gulo si Charles eh"
"hindi naman siguro mag-uumpisa ng gulo si Charles kung walang ginawa si Felix sa kanya"
"for sure si Chloe na naman ang pinag-awayan nila"
Kumulo ang dugo ko sa narinig. Si Chloe na naman? Psh! Para namang bago ang isyung 'to.
'Buwisit na Charles 'to! Nasaktan tuloy si Felix sa suntok niya.'
Napangiwi ako nang makita ang kawawang mukha ng pinakamamahal ko. Inalalayan ng ilang mga estudyante si Felix para dalhin sa clinic, tumabi kami para makadaan sila.
Haayyttss, napailing ako dahil sa awang nararamdaman. 'Bakit pa kasi kailangang umabot sa sakitan? '
Matagal ng hiwalay sina Chloe at Charles. Ang dahilan daw ng hiwalayan nilang dalawa ay si Felix, gusto daw kasi ni Chloe ang kaibigan ni Charles kaya niya hiniwalayan 'to. Kaya sa tingin ni Charles ay tinraidor siya ng dalawa kaya ganun na lang ang galit niya sa mga ito.
Hindi ko naman masisisi si Charles sa nangyari, kung ako siguro sa lugar niya ay baka mabaliw na ko. Pero hindi pa rin tama na basta-basta na lang siya manggugulo. Maraming nadadamay sa ginagawa niya.
Mula kasi nang malaman niya ang katotohanang 'yon ay lagi na lang may gulo sa loob at labas ng Saint Ellaine. Suki na ata ng guidance office ang dalawa.
Papalabas na sana ako ng gym para bumalik sa room nang makita ko si Charles. Namuo ulit ang galit ko sa kanya nang maalala ang ginawa niya kay Felix. Kaya hindi na ko nagdalawang isip na sundan siya. Kailangan ko siya makausap, hindi na kasi tama ang ginagawa niya.
Kapag alam kong babaling siya para tignan kung may sumusunod ba sa kanya ay agad akong nagtatago. Kailangan ko munang siguraduhin na walang tao para makausap ko siya ng kami lang dalawa-I mean para magkaintindihan kami.
Medyo natakot ako nang mapagtantong nasa building na pala ako ng last sections. Ang section kung saan lagi may mga gulo, kung saan mayroon laging away, ang lugar kung saan hindi mo nanaising mapadpad, ang lugar kung nasaan si Charles.
Pinagtitinginan ako ng mga estudyante, marahil ay nagtataka sila kung bakita ako pumunta dito. Minsan na rin akong nakapunta dito, kaso nga lang ay kasama ko si Miss Porquez para maghatid ng mga test papers pero yun na yung pinakahuling punta ko dito. Bukod kasi sa natatakot ako dito ay ayoko lang na makakita o makarinig ng away.
Napadpad kami sa rooftop. May mga basag na bote ng beer, mga basura, may upuan din kaso parang luma na dahil kinakalawang ito, napatakip ako ng ilong dahil sa masangsang na amoy ng lugar.
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Teen Fiction" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...