Boyfriends
----
“Si CJ?”
Tumango si tatay. “Pinapasok na namin ng kuya mo.”
Kahit na medyo nahihilo ako ay nagawa ko pa ring tumayo. Anong ginagawa niya dito? Wala ba silang pasok? Akala ko ba ay busy sila sa pagpe-prepare para sa graduation.
“Sige tay, bababa na lang po ako pagkatapos kong magbihis,” saad ko.
“Tawagin mo lang ako hah, para naman maalalayan kita sa pagbaba mo,” ani nito bago lumabas.
Nagbihis ako at inayos ang sarili ko. Ilang beses ko pang tinitigan ang sarili ko sa salamin. Magulo ang buhok ko at putlang-putla ako. Marahil ganito talaga kapag may lagnat ka. Kainis naman, baka pagtawanan pa ko ng mokong na yun.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Scarlette.
Ako:
Wala ba kayong pasok? Nagtataka kasi ako kung bakit nandito si CJ.
Hindi na ito nakapagreply kaya kumunot ang noo ko. Bumuga ako ng hangin, siguro ay busy siya kaya di siya nakapagreply. Inilagay ko na lang sa bulsa ng pajama ko cellphone ko.
Ilang sandali pa akong nagtagal sa kuwarto bago ko tinawag si tatay na alalayan ako pababa. Masyado kasi silang pihikan, hindi nila ako hinahayaang magpapasok ng kahit sino sa kuwarto unless kung babae ito.
“Oh, ayan na pala si bunso.”
Pagkababa ko ay sumalubong sa akin si CJ na nakasuot pa rin ng uniform nito. May bandage ang kaliwang pisngi at medyo halata pa rin ang sugat sa mga labi nito. Wala na ba silang pasok? Hindi pa naman alas singko ah.
Umupo na ko sa couch na kaharap niya mismo.
“Sige, bubuksan ko na ang talyer. Tutal naman ay may magbabantay na sa’yo,” ani ni tatay.
Si kuya naman ay tumango na lang at sumama na rin kay tatay. Naiwan kaming dalawa dito sa sala. Napahilot ako ng noo bago bumuntong hininga.
“Masakit pa rin ba ang ulo mo?” tanong nito. “ang sabi ng tatay mo, kaya ka daw umabsent dahil may lagnat ka.”
Kunot noo ko siyang tinitigan. Medyo masakit pa rin ang katawan ko at hindi maganda ang aking pakiramdam. I’m trying so hard to face him properly.
Sa too lang, masaya nga ko dahil kahit papaano ay naisipan niya akong dalawin. Pero pumapasok pa rin sa isip ko ang pangako ko kay Chloe.
“Wala ba kayong pasok?” malamig na tanong ko.
Sumandal ako sa couch at tinitigan siya.
“May pasok kami,” ani nito. “pero kailangan mo ko kaya dapat nandito ako.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Sa halip na paalisin siya ay dapat nga ay matuwa ako dahil gumawa siya ng paraan para bisitahin ako. Umiwas ako ng tingin at pinagkrus ang mga braso ko.
“Magluluto lang ako” ani nito at tumayo.
“Tinanong mo ba si kuya Monday kung okay lang na galawin mo ang kusina niya?” tanong ko habang hindi pa rin siya tinitigan.
“He already told me to take care of you. So I guess, okay lang sa kanya na magluto ako doon,” saad pa nito bago tuluyang pumunta sa mesa.
![](https://img.wattpad.com/cover/209730169-288-k382441.jpg)
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Teen Fiction" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...