Chapter 20

204 4 0
                                    

Necklace

---

NAGISING ako dahil tumunog ang alarm clock ko. Agad ko naman itong pinatay. Kahapon lamang natapos ang exam at binigyan kami ng isang araw para makapagpahinga.

Lumingon ako sa orasan at nakitang tanghali na pala. Umalis na ako sa kama para makapagligo't makapagbihis. Pagkababa ko ay nakita ko kaagad si Kuya Tuesday na nanunuod ng tv.

Naputol ang panunuod niya nang makita ako.

"Bunso, nasa talyer si CJ. Kanina ka pa nun hinihintay," aniya at ibinalik ang tingin sa pinapanuod.

Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Ano na namang ginagawa ng Javier na yun dito?

Hindi pa man ako nakakalabas ng pinto ay pumasok na mula roon si Kuya Wednesday.

"Bunso! Gising ka na pala," aniya sa malambing na boses. "nasa talyer si CJ, and you don't have to worry because..." hindi na nito tinuloy ang sinabi. Tila iniisip pa nito ang isusunod niya.

"Hoy Tuesday ano nga pala ang english ng 'pinagpaalam ka na nya sa'min at ayos na sa'ming magdate kayo'," ani Kuya Wednesday habang tinuturo ang kapatid kong taimtim na nanunuod ng TV.

Napakamot sa ulo si Kuya Tuesday at sumalubong ang kanyang kilay.

"Hoy Wednesday alam kong ako lang ang may utak sa'ting dalawa. At ang dali-dali lang naman ng itatranslate mo sa english eh hindi mo pa magawa!" ani nito.

Kumuha si kuya Wednesday ng throw pillow at itinapon iyon kay Kuya Wednesday.

"Eh ano nga? Tutal naman magaling ka!"

Inis kaming binalingan ni Kuya Tuesday. Galit na naman siya, malamang dahil hindi na siya nakapag-concentrate sa pinapanuod.

"Alam kong magaling ako kaya hindi ko alam kung paano itranslate yan."

Bumuntong hininga ako. Masisira lamang ang araw ko kung patuloy ko pang pakikinggan ang walang kwentang away nila.

Lumabas na lamang ako ng bahay at pumunta ng talyer. Naabutan kong nagkakape sina tatay kasama si kuya Friday at nandoon din si Javier.

Agad silang napabaling sa akin.

"Bunso, good morning!"

Si Javier ang binalingan ko. He was wearing an off white t-shirt and a pair of jeans. Nakaayos na rin ang buhok nito, hindi tulad ng dati na magulo.

Matamis na ngiti ang ipinakita niya sa akin nang magkasalubong ang aming mga mata.

"Bunso, bakit di ka pa bihis?"

Kumunot ang noo ko sa tanong ni tatay.

"Tay, ba't ako magbibihis?"

Lumapad ang ngisi ni CJ nang akbayan siya ni tatay.

"Pinaalam ka na ni CJ, pumayag naman kami," ani nito.

Nagtatanong ang mga mata ko. Nagkibit balikat lamang si Kuya Friday at sumimsim sa kape nito.

Nagtataka man ay nagbihis ako. Hindi ko naman alam kung saan ang lakad namin ni Javier kaya nagsuot na lang ako ng puting plain t-shirt at jeans, ponitale lang din ang naging ayos ng buhok ko.

Ngumiwi ako nang makita ang sarili sa salamin. Maputla ang itsura ko. Naglagay ako ng kaunting cheek tint sa pisngi at naglagay din ako ng kaunting liptint sa bibig.

Dati naman ay kahit wala ng liptint ay okay na, wala naman akong pakealam sa kung ano ang magiging itsura ko pero iba ngayon.

Nagngiting aso ang mga kapatid ko nang makita ako. Agad silang bumalik sa kani-kanilang ginagawa nang makita akong pababa sa hagdan.

Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon