We're okay
---
MABILIS lumipas ang araw simula nung umalis si Felix. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang umalis na si Felix. Hindi ko alam kung kailan kami uli' magkikita pero ang sabi naman niya sa'kin ay babalik siya.
Tahimik kong pinapanuod ang mga sasakyang nasa labas ng café delights. Mabilis lumipas ang panahon, naalala ko pa nun kung gaano ako kapatay na patay kay Felix. Halos araw-araw akong naghihintay sa hallway para lang makita siya. Ngayong abot kamay ko na siya, saka ko naman ito pinakawalan.
I just realized that love is very unpredictable. Hindi mo masasabi kung hanggang kailan mo puwedeng gustuhin ang taong 'yun. Hindi mo rin pwedeng pangunahan ang puso mo at pigilan ang nararamdaman mo. Hindi natututunan ang pagmamahal dahil kusa itong nararamdaman.
Ngayon, iniisip ko kung ano na kaya ang ginagawa ni Felix sa Canada. Desisyon niyang umalis at wala akong magagawa dun. But I felt sorry for him, sana ay nalaman ko kaagad nang sa ganun ay pormal akong nakapagpasalamat.Ngayong okay na kami kay Felix, aayusin ko naman ang problema namin ni Chloe. Hindi matatapos ang away namin kung tatahi-tahimik lang ako sa isang sulok. Marami na kaming pinagsamahan at hindi ko pwedeng pabayaan lang yun ng basta-basta.
Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang makita ko si Chloe na kakababa lang ng tricycle. Napangiti ako dahil pumayag siyang makipagkita sa'kin. Sa totoo lang, nahirapan talaga akong kumbinsihin siyang makipagkita buti na lang talaga at tinulungan ako ni tita Denise.
Pinanuod ko siya mula sa pagpasok niya hanggang sa makaupo siya sa harap ko. Nung mga bata kami ay napagkakamalan nila kaming kambal dahil minsan pareho kami ng suot. We have the same curly hair, a tan skin, long eye lashes and a natural pinkish lip. Kaso nga lang magkaibang-magkaiba kami ng mga mata. She has brown eyes while mine was color black. Namana ko ito kay nanay samantalang sa kanya naman ay sa tatay nito. She was now wearing a pink floral dress.
"Hi," she greeted.
"Kamusta si Tita Denise? Ang sabi kasi sa'kin ni tatay, nilagnat daw siya."She cleared her throat. "She's fine, inaalagan siya ngayon ni papa. Kinakailangan lang niya ng pahinga," sagot niya at umayos ng pagkakaupo. "Sina kuya Monday, kamusta sila? Hindi na kasi ako nakakapunta sa bahay niyo kaya minsan nakikibalita na lang ako kay papa."
"Ah sina Kuya ba? Sa bahay siya ngayon dahil naka-leave siya sa trabaho. Sina Kuya Tuesday, Wednesday at Thursday naman may trabaho na at si Kuya Friday, nag-aaral na siya uli' ngayon," saad ko. "Buti nga at nakauwi sila nung graduation ko."
Ngumiti ito, "It's good to hear. Mabuti naman dahil nakahanap na ng trabaho ang mga kuya mo, pero paano ang talyer ng tatay mo?"
"Yun ba? Tinutulungan siya ni Kuya Monday. Yun nga lang sa susunod na linggo, babalik na siya sa trabaho. Kaya nga naghahanap na sila ng mga tutulong kay tatay sa talyer," saad ko. "Pinipilit na nga nina Kuya na wag ng magtrabaho pero napakakulit niya. Hindi daw niya basta-basta na lang isasarado ang talyer, kasi sila daw ni nana yang pumundar nun."
Saksi ako kung paano nila pinundar ang talyer namin. Nakapangalan pa nga ito kay nanay. Hilig talaga ni tatay ang mag-ayos ng mga makina ng sasakyan kaya naisip nila itong negosyo. Kasama namin sa paglaki ang talyer na 'yon kaya siguro mahirap kay tatay na isarado na lang ito.
"Kamusta ang negosyo ng papa mo, Chloe?" tanong ko.
"Medyo nagkakaproblema kami pero maayos din naman 'to," sagot niya.
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Novela Juvenil" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...