Prank
---
HINDI ko na nagawang magpaalam sa mga bisita ko. Halos takbuhin ko na ang daan papunta sa kinaroroonan ng aksidenteng sinasabi ni Dale.
Malapit lang daw iyon sa bahay namin. Ang sabi ng kaibign nito’y nagmamadali daw si CJ na makapunta kaagad sa birthday ng kuya ko. Habang tinatahak ko ang daan ay hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Pinagtitinginan na ‘ko ng mga taong nakakasalubong ko pero wala akong pakealam.
Nanginginig ang mga tuhod ko pero nagawa ko pa ring makatakbo. Takot at pag-aalala ang tanging nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kakayaning mawala si CJ sa’kin.
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong humagulgol sa takot na nararamdaman ko ngayon. Dumoble ang pagpintig ng puso ko sa sobrang kaba. Marinig ko lang ang balitang ‘yun, halos gumuho na ang mundo ko. Hindi maaari, hindi siya pwedeng mawala sa’kin.
“Someday, we’ll build our house here,”sabi nito at tinuro ang isang bakanteng lugar na malapit lang sa dalampasigan. May mga niyog na nakapaligid dito, di ito gaano kalawak pero masasabi kong maganda namang pagtayuan ng bahay dahil nakikita dito ang magandang tanawin ng dagat.
Huminga ako ng malalim at bahagyang ngumiti. Kung makapagsalita naman ‘to, akala mo naman magkakatotoo.
“May problema ba?” tanong nito at iginiya ako mismo malapit sa dalampasigan.
“Bahay talaga natin?”
“Why? Ayaw mo dito?”
The strands of my hair suddenly crossed my face. Kaya dali-dali kong inipit ang buhok ko sa likod ng tenga ko.
“Gusto ko,” sagot ko. “Pero sigurado ka ba talagang tayo pa rin hanggang sa… alam mo na, maipatayo mo ang sinasabi mong bahay dito.”
“Of course, I’ve always dreamed that someday we would live in our own home,” sabi ito habang naglalakad kami. “We will build our own family. A few years from now, we’ve been holding hands as we watch our children playing on the beach. We are talking our love language while they are building a sand castle.”
Maskin ako ay napapangiti sa ini-imagine niya. Payapa’t magada ang lugar na ‘to, malayo sa magulong buhay sa siyudad.
“I love you, Claire,” aniya.
Mas lalong bumuhos ang mg luha ko nang maalala ang ipinangako niya sa’kin noon. Ang sabi niya’y magtatrabaho daw siya ng mabuti para mapatayo namin ang bahay na pinapangarap namin pero naging selfish ako. Hindi ko man lang iniisip na kaya siya laging wala ay para sa kinabukasan namin. Puro galit lagi ang nakukuha niya sa’kin, ni hindi ko man lang na appreciate ang ginagawa niya.
‘Kasalanan ko. Kung di ko lang sana siya pinilit na umattend ng selebrasyon namin, hindi sana mangyayari ‘to.
Natigil ako sa pagtakbo nang makita ang mga taong nagkukumpulan. Nanuyo ang lalamunan ko. Mula dito ay nakikita ko ang isang ten wheeler truck na nasa harap lang ng convenient store pero hindi ko makita ang nabangga nito dahil natatabunan iyon ng mga tao.
Napakagat labi ako bago tinakbo ang gawing iyon.
“Tabi! Tumabi muna kayo!” pinilit ko ang sarili na makipagsiksikan hanggang sa makarating ako sa pinakadulo.
“Claire!”
Kakadating lang ni Bryan nang dumating din ako dito. Kasama nito si Chloe at ilan sa mga bisita namin. Hindi na ako nito nadaluhan dahil sa pagdating nito ay kinausap na kaagad niya ang ilang mga tao na nakakita ng pangyayari. May tatlong police na nandoon at nag-uusap na sila ngayon nina Bryan.
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Teen Fiction" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...