They lied!
---
NAPAYUKO ako sa sinabi niya. I heard him sighed. Napakurap-kurap ako nang maramdamang hinawakan niya ang kamay ko.
“You know what Claire, may sinabi siya sa’kin nun na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalilimutan,” saad nito.
“He said, the easiest way to get your heart is to know you well,” aniya sa baritonong boses. “So he told me some secrets, those are secrets about you.”
Hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Malungkot ang mga mata nito matapos niyang sabihin iyon. May parte sa aking sinisisi ang sarili ko. Hindi ko siguro makikita ang lungkot sa mga mata nito kung di dahil sa’kin.
May kinuha siyang papel sa bulsa nito at ibinigay iyon sa’kin. Nagtataka man ay dahan-dahan ko iyong kinuha.
“I think that is for you,” ani ni Felix. “Noong una, hindi din ako makapaniwalang gagawa siya ng sulat. Hindi ugali ni CJ na sabihin kung anong nasa isip niya kaya siguro sinulat niya lang kung anong gusto niyang sabihin.”
Nanginginig ang mga kamay ko nang buksan ko ang sulat. Para bang mas dapat kong patatagin ang sarili ko ‘pag babasahin ko ‘to.
“Charles Javier really loves you, Claire,” sabi pa niya.
Hinayaan niya akong basahin ang sulat na ‘yon. Kinakabahan ako pero nagawa ko pa ring basahin ang sulat kahit papa’no.
Please, take care of her. She’s good at pretending, no matter how hard she try to be brave, she always end up crying. Kaya kapag nakikita mo siyang umiiyak lapitan mo kaagad siya at punasan ang mga luha sa pisngi niya. Kapag susuntukin ka naman niya, kahit mahina lang ang suntok niya kailangan mo pa ring magpanggap na nasasaktan kung ayaw mong masuntok uli’.
Para na akong baliw ngayon. Tumatawa ako habang umiiyak. Agad kong pinunasan ang mga luha at nagpatuloy uli’ sa pagbabasa.
She is not allowed to eat shrimp, aatakihin siya ng allergy niya kapag nangyari yun. Hindi niya gustong pinaghihintay siya kaya hanggat maaari agahan mo ang pagdating mo. Hindi siya pwedeng uminom ng kape, she vomits everytime she drinks coffee. She always bites her nails whenever she feels uncomfortable. When she is angry and she ignores you, just give her some sweets and she will surely forget her anger.
Huminga ako ng malalim. Biglang pumasok sa isip ko ang mga araw na galit ako sa kanya. He even puts a lot of efforts para lang kausapin ako.
Nanginginig ang balikat ko dahil sa pag-iyak ko pero hindi ako tumigil sa pagbabasa.
She is different from the other girls, when you are planning to date her you must bring her at the carnival rather than malls. Mas gugustuhin pa niyang pumuntang horror house at sumakay sa Ferris wheel kaysa mamili ng mga mamahaling gamit. She doesn’t watch where she’s going kaya madalas siyang madapa o di kaya’y muntik ng masagasaan so watch her all the times. She is smart in almost every subject but stupid when it comes to math. Lagi mo din siyang bantayan hanggang sa pag-uwi niya, minsan kasi hindi siya nasusundo ng mga kuya niya.
Napakuyom ako nang mabasa ang nilalaman ng sulat. Parang pinupunit ng paulit-ulit ang puso ko. Hindi ko mapigilan ang sisihin ang sarili. Sa mga araw na nagkasama kami, hindi ko man lang napansin na mahal din pala niya ko.
She loves white but hates pink. She loves to drink milktea so drink milktea with her often. She loves to listen to your promises but she hates it when you broke those promises. And also… she likes you… so much. Hindi ko alam kung kailan ako aalis pero kung sakaling dumating ang araw na iiwan ko siya… wag na wag mo siyang pababayaan. ‘Pag dumating man ang araw na babalik ako, pangako babawiin ko siya.
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Novela Juvenil" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...