Chapter 24

169 7 0
                                    

Chloe

---

TANGHALI na ng magising ako kaya hindi na ako nakapag-almusal. Si Kuya Monday na ang naghatid sa’kin papuntang school. 

Mabilis dumaan ang mga araw. Nagleave si Kuya Monday sa trabaho niya kaya matagal pa bago siya bumalik. Kaya tutulungan na lang daw muna niya sina Kuya Thursday at Wednesday sa paghahanap ng trabaho. Nakakatuwa nga dahil kahit papaano ay nagiging close din kami ni Kuya Monday.

Si Kuya Friday naman ay ipagpapatuloy ang pag-aaral niya sa kolehiyo. Habang si Kuya Tuesday naman ay tutulungan si tatay sa talyer. Natutuwa nga ako kahit papaano dahil sa wakas at naisip din nilang ayusin ang kanilang mga buhay.

“Claire, dadagdagan ko na lang ang baon mo tutal hindi ka kumain.”

Dumukot si Kuya Monday sa kanyang bulsa at binigyan ako ng pera.

“Salamat po Kuya. Sige po pasok na po ako.”

Kumaway na ko sa kanila bago ako pumasok. Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa kakaisip kung ano ang magiging future ng mga kuya ko pagnagkataon. Pinagtataka ko nga kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring ipinakilalang girlfriend si Kuya Monday sa amin.

Nawala ang ngiti ko ng makita si Felix na nakasandal sa pader. May hawak-hawak itong rosas habang pikit na pikit ang mga mata. ‘Natutulog ‘ata.

Todo ngiti naman ang mga estudyanteng napapadaan, yung iba nga ay panay ang pagkuha ng litrato niya. Napalunok ako habang lumalapit sa kanya.

‘Tulog nga siya’

Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para tapikin siya sa balikat.

“Felix”

Napatuwid siya ng tayo nang makita ako. Saglit pa niyang tinakpan ang bibig niya para humikab.

“Uhm good morning, Claire,” aniya. “For you…”

Napatingin ako sa hawak niyang rosas bago iyon tinanggap. I smiled at him.

“Thank you,” saad ko.

Halos araw-araw ginagawa niya ito. Kung hindi niya ako nasusundo ay nandito naman siya sa hallway para bantayan ang pagdating ko at ihatid ako sa room. Kapag maaga naman akong nakarating ay sa canteen ang punta namin para makapag-almusal.

I really appreciate his sweet gestures pero kahit anong pilit kong ibaling sa kanya ang atensyon ko, hindi ko pa rin nakakalimutan si CJ. Halos araw-araw na nga akong umiiwas sa kanya pero ganun parin.

Maybe ganun talaga ‘pag nagmahal ka. Hindi basta-basta napipilit ang puso at mas lalong hindi ito madaling makalimot.

“I’m sorry, pinaghintay kita.”

Napahinto kami nang nasa harap na kami ng classroom.

He smiled. “It’s okay. Saka ako ang nanliligaw, kaya ako dapat ang mag-a-adjust.”

I felt guilt. Paano ko kaya sasabihin sa kanya na si CJ ang gusto ko? Ayoko namang umasa siya. Pero ayaw ko ding masaktan siya kung sasabihin ko ang totoo.

Malalim na buntong hininga ang ginawa ko.

“Felix”

He licked his lips. “Hmmm?”

“Kasi-”

“Uy Claire! Di mo sinabing hinatid ka pala ng manliligaw mo.”

Naputol ang sasabihin ko nang biglang dumating si Scarlette at pumulupot sa mga braso ko.

Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon