Chapter 12

186 7 0
                                    

Allergy
---

Hindi ako kumibo matapos niyang sabihin iyon. Hindi ko siya maintindihan, pero mas hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi na ko nagiging komportable, kaya napapikit na lamang ako bago tumikhim.

"Paano ba 'to, siguradong nag-aalala na ang sina tatay at mga kuya ko," pag-iiba ko ng usapan.

Napayakap ako sa sarili dahil sa sobrang lamig ng nararamdaman.

Narinig kong tumikhim siya, "Ako na lang ang kakausap sa kanya mamaya kapag nakalabas na tayo dito," aniya.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi nang lingunin ko siya, pero umiwas din agad ako ng tingin.

"N-Nakakatakot ba ang mga kuya mo kapag nagagalit sila?" tanong niya.

Napangiti ako habang inaalala kung gaano ka strikto ang mga kuya ko.

Kahit na minsan naiinis ako sa kanila, masasabi ko pa ring napakasuwerte ko dahil hindi magkakaroon ng kulay ang buhay ko kung wala sila.

"Nakakatakot sila, sobrang nakakatakot. Lalong-lalo na si kuya Monday, kapag kasi nagagalit yan hindi ka niyang tatantanan hangga't hindi ka umiiyak," natatawa kong saad.

"I wonder how it feels," kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Maramdaman ang alin?"

Nagkibit balikat ito, "Ang magkaroon ng mga kapatid."

My eyes widened.

"Wala kang kapatid!?" I asked him.
My eyes turned to me again while he was smirking.

"Wala akong kapatid, nag-iisa lang ako," he said.

Para akong baliw. Kanina lamang ay umiiyak ako ngayon nama'y tumatawa na.

Ibinaba ko ang tingin sa mga kamay kong nasa kandungan.

"Kaya pala madalas nasa bahay ka at minsan nama'y sinusundo mo ko. Wala ka bang mga pinsang tumitira sa bahay niyo? O di kaya'y mga malalapit na kamag-anak? Alam mo na, para di ka mainip," wika ko.

"Minsan, binibisita din ako ng mga pinsan ko. We hanging out sometimes, sina Tyron at Edmond minsan si Kuya Rafael, pero hindi sila tumatagal," saad niya. "Sometimes my parents are busy, kaya minsan mga katulong na lang namin ang kasama ko."

Naalala ko nga ang pinsan niyang minsan ng ikinuwento ni Ate Alice sa amin noon, si Rafael. But she was highschool back then when she told me their story, but as years passes by and Kuya Josh came into her life hindi na niya ikinikuwento iyon. Sa halip kuwento na nila ni Kuya Josh ang lagi niyang binabanggit sa amin.

Kaya nga, I believe that change is the only permanent thing in this world. Nagbabago din ang lahat.

"Ikaw ba Claire?"

"Hmm?"

Nakatingin sa ibang direksyon ang mga mata niya habang tinititigan ko siya.

"You and your brothers, sa tingin ko ay napakasaya niyo. Hindi kagaya ko. I'm just an only child, sometimes when my parents are leaving, I was left alone. Kaya nga kinakailangan ko pang pumunta sa kapit bahay namin para makipaglaro," sabi niya bago ako lingunin.

Ngumiti ako at umiwas ulit ng tingin. Hindi ko alam kung bakit para akong natatakot na sumalubong ang aming mga mata.

"Kami? Masaya?" I sighed. "Minsan masaya pero minsan hindi. Alam mo kasi, namulat ako sa mundo kung saan kumpleto at masaya ang pamilya ko."

Napangiti ako habang naaalala ang mga kuwento sa'kin noon ni tatay. Abot langit daw ang ngiti niya nang ipinanganak ako ni nanay, sa wakas daw at may anak na siyang babae.

Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon