Paglayo
---
HANGGANG ngayon ay pilit pa ring pumapasok sa isipan ko ang mga nangyre nung gabing yun. Ang bawat pagsuntok ni CJ kay Felix at kung paano ang ekspresyon ni CJ.
At ano kaya ang susunod na nangyare kung hindi dumating si CJ?
"Buwisit!"
Martes ngayon. Dalawang araw matapos ang insedente sa birthday party ng pinsan ko.
"Oh, ba't nagmumura ka?" tanong ni Kuya Tuesday bago umupo sa harap ko.
Kumuha na rin ito ng tinapay at sinabayan ako sa pag-aalmusal.
Saglit akong sumulyap sa kanya, "Wala po kuya."
"Ihahatid kita mamaya bunso," aniya. "Sa wakas ay pinayagan naman ako nina tatay."
Kumunot ang noo ko. Naalala ko nga pala na sa tuwing ihahatid niya ako ay dadaan siya sa café delights at doon kakain ng mga matatamis. Hindi kasi puwede sa kanya ang mga iyon dahil baka bumalik yung UTI niya.
"Ah, wag na pala kuya. Magcocommute na lang po ako," saad ko.
Nakita ko kung paano lumukot ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Siguro ay nadisappoint siya dahil hindi matutuloy ang balak nito.
Matapos kong kumain ay agad ko ng kinuha ang bag ko. Kasalukuyang abala ang mga kuya ko sa talyer kaya lumapit ako roon para makapagpaalam.
"Kamusta iyang braso mo bunso? Masakit pa ba?" tanong ni tatay matapos kong magmano sa kanya.
"Okay na po, hindi na po gaanong masakit," sagot ko.
Sabi nina tatay ay mabuti naman daw ang naging kalagayan ni Felix. Gusto ko mang bisitahin siya ay hindi ako pinayagan ng mga kapatid ko. Baka daw ay lalabas na rin naman si Felix sa susunod na araw.
Some of my classmates and friends asked me if I am okay. Actually, ayos naman talaga ako pero hindi lang ako makatulog sa tuwing iniisip ko ang nangyaring yun. Bumabalik lamang sa aking isipan ang galit sa mga mata ni CJ sa bawat suntok niya.
"Mauna na po ako," pagpapaalam ko.
Bago pa ako makalabas ng gate ay natigilan ako sa sigaw ni Kuya Tuesday.
"Bunso, sigurado kang okay lang na di kita ihatid?"
Bumuntong hininga ako at wala sa sariling napairap.
"Oo nga kuya! Okay lang ako. Tulungan mo na lang sina kuya sa pagtatrabaho sa talyer," wika ko bago lumabas sa gate.
Nang makalabas ako ay agad din akong natigilan nang makita si CJ na nakasandal sa kanyang motor. Ngunit tumuwid din siya ng pagkakatayo nang makita niya ko.
Anong ginagawa niya rito?
"Good morning," saad niya.
Tumikhim ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"Walang maghahatid sa'yo?" tanong pa niya.
Lalapitan sana niya ako pero mabilis akong dumistansya sa kanya.
"Magcocommute ako," malamig na wika ko bago siya nilagpasan.
Bago pa man ako makalayo sa kanya ay mabilis niyang hinawakan ako braso ko. Napaaray ako nang maramdaman ang kirot nang hawakan niya ang braso ko.
"Anong nangyare dito?" agad kong sinubukang bawiin ang braso ko pero hindi niya iyon binitawan.
"Pakealam mo?!" saad ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/209730169-288-k382441.jpg)
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Teen Fiction" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...