Chapter 6

232 7 0
                                    

Reason

"T-Talaga bang hindi ako makakaistorbo sa schedule mo kapag magpapatutor ako?", tanong ko kay Felix.

"Hindi naman. Marami pa akong bakanteng oras, kaya imbes na sayangin ko yun tuturuan na lang kita.", sagot niya sa akin at ngumiti.

'Aaarrgghh ang gwapo!'

Nag-init ang pisngi ko nang makitang nakatitig siya sa'kin. Sh*t hulog na hulog na talaga ako kay Felix. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Napapatingin sa gawi namin ang ilang mga estudyanteng nakakasalubong ko. Malamang, issue na naman 'to. Pero wala na akong pakealam, ang importante ngayon ay magkasama kami ni Felix.

"May magsusundo ba sa'yo?", tanong niya nang makarating kami sa gate.
Martes ngayon kaya susunduin ako ni Kuya Tuesday. Pero sa tingin ko naman ay hindi ko na kailangan ng magsusundo sa'kin ngayon.

"W-Wala.", pagsisinungaling ko. "may gagawin kasi ang kuya ko kaya magcocommute nalang muna ako.", tumaas ang kilay niya.

"Si Chloe, hindi mo ba hihintayin?", tanong niya sa akin.

Naalala ko ang pinlano namin ni Cj kanina. Ang goal ay, ihahatid niya si Chloe at ihahatid din naman ako ni Felix at 'pag nagawa namin yun... successful ang plano.

"Hindi, kasi...", sh*t magsisinungaling na naman ako. "kasi may importante siyang pinuntahan."
Tumango siya.

"Bye Felix!", pagpapaalam sa kanya ng mga estudyanteng pauwi na.

"Bye.", he said while waving at them.
Napalitan ng inis ang ngiti ng mga babaeng kumaway kanina kay Felix nang makita ako. Agad ko naman silang inirapan. Kainis! Naiinggit lang siguro ang mga 'yun.

"Felix, laro tayo mamaya.", saglit pang napatingin sa'kin ang lalaking nakasalubong ni Felix ngayon. "Oh, hi.", he said while staring at me.

"H-Hi", saad ko.

"Di ba pinsan ka ni Chloe?", he said. Sa tingin ko ay kagrupo niya ito dahil minsan ko ng nakita si Felix kasama ang lalaking kaharap ko. "Claire, tama ba ako?"

"Yes, I'm Claire.", sagot ko.
Masasabi kong gwapo din ang lalaking 'to. Singkit ang mata, nakaclean hair cut, broad shoulders, matangkad at may matangos na ilong. Pwede na.

"I'm Lance, by the way.", saad niya at nilahad ang kamay sa'kin. Sandali akong napatingin dun bago tinanggap iyon.

"Sensya na pre.", binitawan ko na ang kamay ni Lance nang magsalita si Felix. "Ihahatid ko muna siya."

Nagkibit balikat si Lance habang ako naman ay nag-iinit ang pisngi at bumibilis ang pagpintig ng puso. Grabe naman ang epekto sa'kin ni Felix mylabs ko.

"Ganun ba", Lance said. "Sige bukas na lang.", giit niya bago tinapik ang balikat ni Felix at umalis.

"Ihahatid mo ko?", mabilis na tanong ko. "baka naman masyado ko ng naabala ang oras mo.", giit ko kahit ang totoo'y gustong-gusto kong ihatid niya ko.

"Okay lang sa'kin.", saad niya. "Hindi dapat hinahayang umuwi ng mag-isa ang babae.", giit pa niya habang nakatingin sa'kin.

Para akong sorbetes na natutunaw... natutunaw ako sa sobrang kilig. Mas lalo akong nahumaling kay Felix. Napakaresponsable niyang tao. Hindi katulad ni Cj, puro sarili ang iniisip. Kaya siguro nagkagusto din ang pinsan ko sa kanya.

Pumara agad siya nang may mapadaan na tricycle. Sumakay kaagad kami doon. This is it! First time sa buong buhay ko na ihatid ako ni Felix.

Naghuramentado ang sistema ko!
"Sa purok siyete po ng Baranggay Dalisay.", giit niya at inabot sa drayber ang bayad.

Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon