Talk
----
Chloe:
Let’s meet. Sa café delights tayo pagkatapos ng klase.
Mabilis akong nagreply nang mabasa ang text niyang yun.
Ako:
Sige
Itinago ko agad ang cellphone ko matapos kong magreply. Walang may alam kung bakit siya umabsent, nang tanungin naman namin ang mga kaibigan nito hindi naman nila kami sinagot.
“Are you sure? Hindi na kita kailangang ihatid?” tanong niya sa akin nang makarating kami sa sakayan ng mga tricycle.
“Hindi na,” I answered. “kaya ko na ang sarili ko. Saka umuwi ka na, baka mapano ka pa eh.”
Pumasok na ko sa tricycle. Napabuntong hininga ako ng hindi pa siya umaalis.
“Felix, umuwi ka na,” saad ko.
Natawa pa ito pero ilang saglit lang ay napangiwi ito. Marahil ay naramdaman niya ang sakit ng sugat nito sa kanyang labi.
“Kita mo? Sabing umuwi ka na at baka mapano ka pa.”
“Alright, uuwi na ko,” ani nito.
Tipid ko siyang nginitian. Pinanuod ko ang pag-alis ng kanilang sasakyan. Ilang sandali lang at umalis na ang tricycle na sinasakyan ko.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kay CJ. Hindi man lang ito pumunta ng clinic para magpagamot. Ang sabi naman ng mga kaibigan niya ay hindi na nila ito nakita matapos ang gulo.
I didn’t try to text him. Mula nung huling pag-uusap namin sa café delights ay wala na kaming komunikasyon sa isa’t isa. I always avoid him dahil alam kong yun ang tama.
Nagbayad kaagad ako ng pamasahe nang makarating ako sa café delights. Bumuntong hininga ako nang makita ko kaagad si Chloe mula sa glass wall. Nakaupo ito habang kinakalikot ang kaniyang phone. Nakasuot ito ng asul na shirt at faded jeans. Kahit na kinakabahan ako ay humakbang pa rin ako hanggang sa makarating ako sa loob.
Natigil siya sa pagkakalikot sa kanyang cellphone at tumingin sa akin. Sandaling tumaas ang kilay nito bago ngumiti.
“I’m glad, you came,” aniya. “Umorder muna tayo, okay?” saad pa nito at nilagay na ang cellphone sa loob ng kanyang puting sling bag.
Umupo kaagad ako sa harap niya. Ilang beses akong lumunok habang sinasabi niya sa waiter ang order nito.
“I want asparagus and cheese puff bundles and also I want vanilla flavored shake,” ani nito bago naglahad ng kamay.
“Uhm, ako din… yun na lang din yung akin,” saad ko nang bumaling sa akin ang waiter.
Nang matapos siyang umorder ay tumingin siya sa akin. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang mapagtanto kung bakit ako nandito.
“Nakakapagtaka, bakit hindi mo kasama si Charles?” ani nito. “Si Felix? Balita ko ay pareho na silang nanliligaw sa’yo,” saad pa nito. Pilit nitong pinapatatag ang boses niya kahit na ano mang oras ay maari niya akong sigawan.
Napakagat labi ako. “Umuwi na si Felix at… at hindi ko alam kung nasaan si CJ.”
Sarkastiko siyang ngumiti sa akin at tumango. Tuwid akong umupo at dahan-dahang napayuko.
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Novela Juvenil" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...