Chapter 5

222 4 0
                                    

Successful

Napaface palm ako habang pinaglalaruan ang ballpen sa aking kamay. Mag-aalas siyete na ng umaga pero hindi pa din dumadating ang pinsan ko. Malamang ay nagtataka na iyon kung bakit hindi kami sabay pumasok.

Nagkibit balikat na lamang ako at umiling. Hindi dapat ako nangangamba sa magiging reaksyon ng pinsan ko. Dapat ay nagfo-focus na lamang ako sa plano namin ni Cj.
Napangisi na lamang ako sa hindi malamang dahilan.

Ano kaya ang magiging reaksyon ko kapag nagkausap na kami ni Felix? Mag-iinit din kaya ang pisngi ko gaya sa binabasa kong mga nobela? Bibilis din kaya ang tibok ng puso ko?

"Claire!",eksaktong alas siyete nang dumating si ang hingal na hingal na si Chloe. "Claire, nandito ka na pala."
Mabilis na lumapit siya sa'kin. Tipid na ngiti lamang ang ibinigay ko.

"Anong oras ka dumating?", tanong niya habang inaayos kanyang ang gamit.

"Ahm, alas sais.", sagot ko.

"Hindi mo man lang ako hinintay.", pagtatampo niya.

"Pasensya na kasi, nagmamadali ako kanina.", pumulupot siya sa braso ko kaya agad kong kinuha ang mga kamay niya roon.

Kumunot naman ang kanyang noo matapos kong gawin yun. Kinuha niya ang ballpen na kanina ko pa pinaglalaruan at tinago 'yun sa kanyang likuran. Malamang, nararamdaman niya siguro ang panlalamig ko.

"May sasabihin ka ba sa'kin, Claire?", tanong niya.

Napalunok naman ako. Paano ko kaya uumpisahan 'to? Paano ko kaya siya mapapapunta sa rooftop? Paano ko sasabihing kailangan nilang magkita ni Rafael?

Tumayo siya at lumapit sa likuran ko. Tumikhim ako bago siya nilingon at muling nagsalita, "Ahm kasi, m-may naiwan ako sa rooftop. Yung paper bag ko. Eh napakaimportante kasi nun sa'kin.", pagsisimula ko.

"Oh eh bakit di mo kinuha?", napalunok ako sa pangalawang pagkakataon.

"Balak ko sana kunin yun mamayang lunch, eh ang kaso may importante din akong gagawin mamaya.", giit ko at kinuha ang ballpen kong kinuha niya kanina.

"Eh bakit di mo kinuha kanina?", muling tanong niya.

Napakurap-kurap ako at nag-isip ng maaaring sasabihin ko sa kanya. kahit kabado ay nagawa ko paring ngumiti.
"K-kasi natatakot ako. Wala pa kasing katao-tao dito eh.", sagot ko at umiwas ng tingin.

Narinig ko ang pagtawa niya, "Ikaw talaga! Siguro sa sobrang panunuod mo ng mga horror movies, ayan tuloy nag-iimagine ka na ng mga nakakatakot na mga bagay!", saad niya.

Tipid at kalmado akong tumawa sa sinabi niya. Kailan pa ko natutong magsinungaling? Bwisit na plano to!

"Sige sige, ako na ang kukuha mamaya.", sabi niya.

Pakiramdam ko, sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay nakakagawa ako ng mga bagay na maaaring sumira sa pagsasama namin ni Chloe. Pero, naiisip ko rin minsan na hindi naman masama ang unahin ang sarili. Nakakapagod din kasi maging selfless.

The whole class was boring. Nakikinig ako pero tila hindi inaabsorb ng utak ko ang sinasabi ng gurong nasa harapan ko. Tango at ngiti ang tanging ginagawa ko tuwing napapalingon ang subject teacher namin sa gawi ko. Siguro ay masyado lamang akong excited sa gagawing plano namin ni Cj mamaya.

Natapos ang apat na subjects sa buong umaga. Mabilis lumipas ang oras dahil tanghalian na.

"Insan!", it was Chloe.

Nagmamadaling lumapit siya sa'min ni Scarlette.

"Oh, insan...", I said.

She pouted, "Kukunin ko na lang muna ang paperbag na naiwan mo sa rooftop."

Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon