Chapter 2

372 11 0
                                    

Refusing the deal.

--

Dalawang araw matapos kong tanggihan ang alok ni Cj. Gabi-gabi din akong hindi makatulog dahil dun.

Kahit kalian ay hindi ko gustong masaktan si Chloe nang dahil sa'kin.

Alam kong may mas malalim na dahilan pa si Chloe kaya hiniwalayan niya si Cj. Hindi naman siguro niya gagawin yun nang dahil lang kay Felix, matalino siya kaya alam niya kung ano ang tama sa mali.

"Okay ka lang Claire?", nabalik ako sa sariling huwisyo.

Hindi ko namalayang naglalakad ako sa hallway nang wala sa sarili.

"May masakit ba sayo?"Muli niyang tanong.

"Wala, saka kulang lang siguro ako sa tulog kaya ako nagkakaganito."Giit ko kaya tumango siya.

May ilang mga estudyante ang bumabati sa kanya na lagi nama nilang ginagawa. Sa paaralan kasi namin kapag maganda ka, papansinin ka.

"Claire."Tawag niya sa'kin. Huminto kaming dalawa sa harap ng library. "may... may emergency kasi sa club namin kaya medyo malilate ako sa first period natin ngayon."

"Anong nangyari?"

"Sasabihin ko nalang sayo mamaya, mauna ka na okay?", dali-dali siyang umalis. Umiling na lang ako at dumiretso na lang papuntang classroom.

Napapansin kong napapadalas na ang pagiging late ni Chloe tuwing first period. Minsan na lang kaming sabay na kumain sa canteen. Napapansin ko rin lagi siyang may katext sa cellphone niya. Hindi naman siya ganyan dati pero nagtataka lang ako ngayon.

Bagot na bagot akong naglalakad habang pinapaikot ang lace ng id sa aking kamay. Hindi dapat akong maantok lalo na't kailangan kong makinig sa first period namin.

"Patawad... h-hindi ko na uulitin."

"Talagang hindi na mauulit!"

"Ano? Tutuluyan na ba natin 'to?"

"Aba'y tanungin muna natin si Boss."

Mahina ang mga boses sa umpisa pero unti-unti iyong lumalakas habang papalapit ako. Dahan-dahan akong lumapit doon. Kay aga-aga gumagawa kaagad sila ng gulo, hindi naman ata tama yun.

Sumilip ako sa dingding  malapit dun.

Sa gilid ng classroom nanggagaling ang gulo, at mga kagrupo ni Cj ang puno't dulo. Namuo ang galit sa'kin nang makita ang kalagayan ng binibiktima nila. Gusot-gusot ang uniporme, putok ang mga labi at napakagulo ng buhok. Kaawa-awa ang itsura.

"Ano boss tutuluyan ba natin?", lumabas mula sa likuran ang itinuturing nilang hari. Si Charles Javier.

Nakapamulsa siyang nakatayo at walang awang pinagmamasdan ang biktima. "Ba't ba nating pinag-aaksayahan ang oras natin sa walang kuwentang 'to?", nakangisi niyang sambit. Napakuyom ako sa sinabi niya.

'Kung meron mang walang kuwenta dito, ikaw yun!'

Bakit ba niya ginagawa ang mga bagay na 'to? Nakakainis  siya. Hindi makatao ang pinanggagagawa niya.

Naisin ko mang umalis at huwag nang pansinin ang ginagawa niya ay hindi ko magawa. Hindi kakayanin ng konsensya ko kung may mangyari sa binibiktima nila.

Isinuot ko ang id ko bago ako lumapit sa kinaroroonan nila. Natigilan silang lahat at tinignan ako.

Nakapamaywang ako habang hinaharap silang lahat.

"Nakakagaan ba ng loob ang pambubugbog? Nakakabuo ba ng mga araw ninyo ang pagpapahirap sa kanya?!", isa-isa silang lumapit sa'kin at tinignan ako mula paa hanggang ulo. Akala mo naman kung sino ang mga 'to.

Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon