Chapter 25

186 5 0
                                    

Fought

---

Charles Javier:

Can we talk?

Nanuyo ang lalamunan ko habang binabasa ang text ni CJ. Isang mensahe lamang iyon pero parang doon na nakasalalay ang lahat.


Napakagat ako sa kuko ko habang iniisip ang maaari kong ireply sa kanya. Kung papayag ba ko o hindi. Paano kung masaktan ulit ako sa muli naming pagkikita?

Napailing ako bago nagtipa ng isasagot. Bahala na!

Ako:

Sige

I stopped looking at my phone. Napakagat uli' ako sa kuko ko habang iniisip ang nangyari kahapon. Kung bakit naging ganun ang trato sa akin ng pinsan ko. At kung bakit siya umiyak. Hindi ko alam kung maaayos pa ba kami ng pinsan ko o hindi na.


Tinext na ni CJ ang address ng pupuntahan namin. Napakagat labi ako habang tinititigan ang sarili sa salamin. Kakayanin ko kaya kung masaktan uli’ ako? Paano kung hindi ko pala siya kayang kalimutan?

---


MATAPOS kong mag-ayos ay pumunta kaagad ako sa restaurant na tinext niya. Pinagbuksan ako ng guwardiya, at nang makapasok ako ay agad kong iginala ang tingin ko para mahanap siya.


Napabuntong hininga ako nang makita siya. Humakbang ako sa kinaroroonan niya. Tumayo kaagad siya at lumapit sa’kin.

“Uhm, good morning,” aniya.

He was wearing a white long sleeves tucked in a black fitted pants, paired with his expensive watch. Pansin ko ding naka-clean hair cut siya.

Tipid akong ngumiti sa kanya at umupo. Magkaharap na kami ngayon. Lumapit sa amin ang waiter at ibinigay ang menu. Hindi ko pinansin ang menu bagkus ay tinititigan ko lang siya.


Nang matapos siyang sabihin ang inorder niya ay bumaling siya sa’kin.

“What’s yours?” tanong niya.

“Hindi ako dito para lang makipagkita’t kumain kasama ka,” mariing saad ko.

“We’ll eat first, now what’s your order?”

Napairap ako ng dis-oras at sinabi na sa waiter kung anong order ko. Napako ulit ang tingin ko sa kanya.

“Anong kailangan mo?”

Bumuntong hininga ito at umupo ng tuwid. “I’m sorry,” aniya.

Napakuyom ako ng marinig yun. Sinasabi ko na nga ba, masasaktan lang uli’ ako.

“Hindi ko agad nasabi sa’yo ‘to. But remember last time? Nung sinabi mong gusto mo ko, that was the best day of my life. Masyado lang kasi komplikado ang lahat kaya hindi ko rin nasabi sa’yo ang nararamdaman ko. I’m sorry if I hurt you, I’m sorry if I was too late to say this but I love you.”


Nanuyo ang lalamunan ko. Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Did he said… he loves me too? Pero… pero bakit?

“A-Ano?”

Nanlalamig ang kamay ko nang hawakan niya ‘yun.

“I said, I love you,” aniya.

Napakurap-kurap ako. Hindi ako kaagad nakapagsalita. A part of me was very happy kasi sa wakas, mahal din pala niya ako pero may bahagi din sa aking naguiguilty.

Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon