Chapter 7

214 5 0
                                    

Sugat
—-

Mabilis lumipas ang araw. Dalawang araw na lang at camping na namin.

Halos isang linggo ko ring hinihintay na tuturuan ako ni Felix pero dahil busy kami para sa darating na camp ay Malabong mangyari na tuturuan niya ako.

"Claire!", Scarlette called me. "Tama na muna 'yan. Kain muna tayo sa canteen."

Pagkalapit niya ay inakbayan niya ako kaya wala akong nagawa kundi bitawan muna ang gunting na ginagamit ko sa paggupit ng tela na gagamiting dekorasyon.

"Ikaw talaga, palagi ka na lang gutom!", I scowled.

"Anong ako lang? Ikaw din kaya!", giit niya.

Pagkarating namin sa canteen ay pinaupo kaagad ako ni Scarlette sa mahabang upuan.

"Ako na lang ang mag-oorder. Alam kong pagodka kaya ako na muna ang bahala sa'yo.", giit niya sabay kindat.

Marahan kong hinilot ang kamay ko nang maramdaman ang sakit nun. Napagod lang siguro ako sa panggugupit kanina.

Buwisit naman kasi! Hindi sana ako mapapagod ng ganito kung nandoon si Felix at tinutulungan ako. Haaay buhay.

Matamlay kong tinignan ang cellphone ko sa bulsa. Ganoon na lamang ang pagtaas ng kilay ko ng makita ang mensahe ni Javier. Sa wakas naman at nagparamdam siya.

Charles Javier:

Napapayag ko na si Felix na tulungan ka.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Ako:

Talaga? Hulog ka talaga ng langit Javier. :)

Ilang segundo lang ang lumipas nang magreply siya.

Charles Javier:

Remember, we have a deal

Unti-unting naglaho ang ngiti ko nang maaala ang kondisyon namin. Bakit ba kasi isasama niya ang pinsan ko? Kainis naman!

Ako:

Pwede bang ibang kondisyon na lang.

Napabuntong hininga ako.

Charles Javier:

No excuses

Aaarrrgghh! Kahit kailan sakit talaga ng ulo ang lalaking 'to.

---

Halos isang oras ang ginugol namin sa pagkain at pag-uusap ng kaibigan ko bago bumalik sa gym para tumulong ulit.

Kanina ay ilan lang ang nagtatrabaho ngayon ay medyo marami-rami na. Mabuti naman dahil madaling matapos lahat ng 'to.

"Claire."

Napapikit ako nang marinig ang boses ng pinsan ko. Sh*t naman, tinotohanan talaga ng lalaking yun ang kondisyon namin. Kainis!
Binalingan ko siya. Hindi nga ako nagkakamali dahil kasama niya si Cj. I caught him looking at me,malamig lamang na tingin ang ibinigay ko sa kanya.

"Bakit kayo nandito?", biglang tanong ko kay Chloe.

"Claire!", lumapit sa'kin ang pinsan ko at pinulupot ang kanyang mga kamay sa braso ko. "sabi kasi ni Cj tutulong daw kami sa pagpeprepare para sa camp.", nakangiting saad niya habang naglalakad kami papasok sa gym.

Nilingon ko naman si Javier na kampanteng naglalakad habang nakapamulsa. His hair is a bit messed at bukas ang tatlong botones ng uniporme niya.

"Cj!", huminto kami para lingunin si Cj. "Bilisan mo!"

Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon