Dinner
---
PILIT akong umiiling habang inaalala ang kuwintas na iyon. Hindi maiwasan ng damdamin kong masaktan habang inaalala na hindi iyon para sa akin.
Ramdam kong malapit ng matapos ang namamagitan sa amin. Na malapit ng matapos ang deal. At kapag nangyari yun, sigurado akong babalik ulit ang lahat sa dati at hindi ko alam kung kakayanin ko.
Naguguluhan ako, dati naman sigurado akong si Felix talaga ang gusto ko pero ngayon... hindi ko na alam.
"Claire"
Napabalik ako sa tamang huwisyo nang marinig ko ang pagtawag ni CJ.
"Hmmm?"
"Malapit na ang exam, nakapag-aral ka na?" tanong nito.
"Hindi pa, pero siguro magpapaturo na lang ako kay Kuya Thursday," sagot ko.
Huminto kami sa tapat ng school, bumaba muna ako ng motor bago niya pinark ito. Hinintay ko siya para sabay na kaming pumasok. Bago pa ko makapasok ng gate ay mabilis niyang kinuha ang paperbag na dala ko.
"Salamat," wika ko.
Pinakita kaagad namin ang I.D namin bago makapasok.
Patapos na ang fourth period sa umaga nang makapasok kami. Ilang minuto na lang at lunch na.
"Sabayan mo kaya akong kumain mamaya," sambit niya.
"Walang makakasama si Scarlette kumain," diretsong saad ko.
"Then isama natin siya," giit niya.
Eksaktong natapos ang fourth period sa umaga nang dumating kami. Nagsilabasan na ang mga kaklase ko sa room.
"Wag na Javier, saka baka mamaya pagkatapos naming kumain pupunta kami ng library para magstudy," sabi ko bago kinuha ang paperbag sa kanya.
We suddenly stop when we saw Chloe. Nanliit ang mga mata nito nang makitang magkalapit kami ni CJ kaya mabilis kaagad akong dumistansya.
"Charles!" aniya at mabilis na lumapit sa amin.
"Sige mauna na ko," pagpapaalam ko at tinalikuran sila.
"Sabay na tayong maglunch..." dinig kong wika ni Chloe.
Hindi ko na sila nilingon hanggang sa makapasok ako sa room. Nakita ko kaagad si Scarlette na nag-aayos ng bag nito kaya mabilis ko siyang nilapitan.
"Scarlette," tawag ko.
Isinarado nito ang zipper ng kanyang bag bago ako nilingon.
"Saan ka galing? Ba't di ka na pumasok mula third hanggang fourth period?" diretsong tanong niya sa akin. "Nag cutting ka no? Naku naku Claire, pagnalaman 'to ng mga kuya mo paniguradong lagot ka!"aniya pero nahinto lamang siya nang makita ang hawak kong paperbag.
"Scarlette kasi-"
"Ano yan?" tanong nito at kinuha ang hawak kong paperbag.
"Cupcakes? Gusto mo?"
She rolled her eyes on me.
"KAYA KA NAWALA DAHIL DITO?!" napapikit ako sa sigaw nito.
Napakurap-kurap ako. Lumingon-lingon pa ako sa paligid at laking pasalamat ko ng walang gaanong tao.
---
KINUWENTO ko lahat sa kanya. Ilang beses pa siyang natawa at napamura sa sinabi ko. Pinagalitan pa niya ako dahil marami daw akong namiss na lesson dahil sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Teen Fiction" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...