End of Deal
---
"Nay, sa tingin mo gusto din ako ni Javier?"
Pinasadahan ko ng aking mga daliri ang litrato ni nanay.
"Alam mo nay, kanina lang dinala ako ni Javier sa perya. Bukod sa gustong-gusto ko sa perya ay nakasama ko po siya kaya masayang-masaya ako."
Hindi ko mapigilan ang ngumiti habang tinititigan ang litrato ni nanay sa mesa. Kung nandito lang siguro si nanay, sigurado akong bibiruin niya ko. Sayang nga lang at wala na siya, hindi niya nakikita kung paano pumupungay ang mga mata ko tuwing kasama ko si CJ.
"Ngayon,sigurado na po akong mahal ko na si CJ. Hindi ko po alam kung paano pero nagising na lang po ako na isang araw siya na ang hinahanap ng buong sistema ko." saad ko at inangat pa ang pendant para tignan ito.
Humiga ako sa kama. Bumuntong hininga ako sa iniisip. Bukas na bukas, sasabihin ko na kay Javier ang nararamdaman ko.
---
Maaga akong nagising. Nakapagtataka lang dahil hindi man lang nagtext si CJ na hindi niya ko mahahatid. Wala akong choice kundi ang magpahatid na lang kay Kuya.
Ako:
Good morning...
Ako:
Pwede ba tayong magkita mamaya? May imporatante lang sana akong sasabihin.
Nakarating ako sa school. Nang makapasok ako ay bumungad kaagad sa akin si Scarlette na todo ngiti. Agad akong lumapit sa kanya.
"Hoy Claire, saan kayo nagpunta ni CJ kahapon?" tanong nito at natigil ang kanyang mata sa suot kong necklace. "At para saan ang necklace? Saka sino ang nagbigay?"
Nagngiting aso ito sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa inasta niya at umupo na sa tabi nito.
Sumenyas ako na tumahimik siya kaya tumango ito. Ayoko kasing may makarinig sa sasabihin ko at baka pagchismisan pa kami.
"Sshh, wag mong ipagsasabi ah."
"Ano ka ba naman, Claire! Ngayon ka pa magdadalawang isip na sabiin ang sekreto mo sakin," ani nito.
Lumapit ako kay Scarlette at bumulong dito.
"Pumunta kami ng Perya ni Javier, doon ba sa Cassagrande"
Dahan-dahan lumaki ang mga mata ni Scarlette. Napaawang pa ang mga labi nito at hinampas ako sa braso. Para bang may nakakamanghang nalaman ito.
"Talaga? Nagdate kayo? Pero bakit sa perya?"
Hinampas ko siya sa braso. "Hoy Hindi date yun ah. Gumala lang kami dahil tapos na ang exam, yun lang. Saka anong masama sa perya? Masaya kaya dun."
"Anong hindi date. Sino bang kasama niyo dun?" tanong nito.
Nagkibit balikat ako. "Kami lang. Ako saka si Javier," mahinang usal ko.
Tumango ito at ngumiwi. Tila may sinabi akong mali.
"Wag mong sabihin na siya din ang nagbigay niyan?" turo niya sa kuwintas na suot ko.
Napakagat labi ako. "S-Siya din ang nagbigay nito."
"Gàgå! Date yun! Alam mo, para kang manhid eh. Pero nagtataka ako, bakit hindi si Chloe ang kasama niya? At bakit ikaw ang binigyan niyan?" sabi nito at nginuso pa ang kuwintas. "At alam mo ba, sa sobrang tagal na naging magkarelasyon si Chloe at CJ, hindi ko nalamang binigyan niya ng kuwintas ang pinsan mo. Kaya nga I smell something... something fishy!" ani nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/209730169-288-k382441.jpg)
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Novela Juvenil" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...