Luck
---
BUKAS na ang exam kaya nasa library kami ni Scarlette at nagbabasa ng aklat. Kalahating minuto na kaming nandito at pinag-aaralan ang Midpoint Formula pero hindi ko pa rin maintindihan.
Medyo marami ang nagbabasa ngayon sa library at mas lalong dumami pa nang pumasok si Felix. Bumalik na kasi ito at nandito siya ngayon sa library para mag-aral. Hindi ko na muna sinubukang lumapit sa kanya at magpaturo dahil baka makaabala lang ako.
Nag-angat ako ng tingin sa kasama ko na ngayon ay halos malukot na ang itsura sa binabasa. Akala ko pa naman kapag kasama ko siya mag-aral ay masosulusyunan ko na ang problema ko sa math pero mas lalo lang palang lumala.
Inis na binagsak ko ang ballpen kaya napatuwid siya sa kanyang kinauupuan.
"Claire, pahiram naman ng notebook ni Felix. Kanina mo pa 'yan tinititigan eh," aniya kaya naman ibinigay ko na sa kanya ang notebook.
Ilang beses ko ng pinag-aralan ang problem na iyon sa notebook ni Felix pero hindi ko pa rin maintindihan.
"Ano ba naman yan, hindi ko naman maintindihan eh!" reklamo niya at napasabunot pa sa buhok nito. "Bakit ba kasi may ganun? Ni hindi ko naman maa-apply ang Midpoint formula na yan sa future!" aniya.
Tumingala ako at sumandal sa silya ko. Sumasakit ang ulo ko dito kaya magpapahinga muna ako.
"Claire"
"Oh?"
Binalik ko ang tingin sa kanya.
"Tingin ka sa may pinto," ani Scarlette.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit naman?"
"Basta, tingin ka lang sa may pinto."
Nilingon ko ang pintuan kagaya ng sinabi ni Scarlette at nakita kong pumasok si CJ. Kasama niya ang mga kaibigan nito. Nagkasalubong ang aming mga mata kaya kumalabog bigla ang puso ko.
Nag-iwas kaagad ako ng tingin at ibinalik ang mga mata sa binabasa kahit na hindi ko ito naiintindihan.
"Bakit kaya sila nandito?" dinig kong tanong ni Scarlette.
Umangat ako ng tingin para makita si Chloe na nasa likod lamang ni Scarlette. Nagbabasa din ito ng libro kasama ang mga kaibigan nito.
"Nandito yan para magpasikat kay Chloe," sagot ko at hindi pa rin inaalis ang tingin kay Chloe.
Pinanuod ko kung paano sumilay ang ngiti sa mga labi nito ng makita si CJ pero biglang unti-unti nawala ang ngiti nito kaya nagtaka ako.
Dire-diretso itong umupo sa katabi naming mesa. Ganun na lamang ang pagtataka ko nang hindi siya umupo sa mesa ni Chloe.
"Akala ko ba para kay Chloe," mahinang usal ni Scarlette.
Kumuha ng ilang mga libro ang kasama nito at naiwan siya sa mesa. Bigla kong ibinalik ang tingin sa libro nang makitang nakatingin siya sa'kin.
"Pero bakit nakatingin sa'yo?" umangat ako ng tingin at pinanliitan ng mga mata si Scarlette.
"Scarlette, nagdinner sila kagabi kaya malaki ang posibilidad na nagkabalikan na sila no," saad ko.
Tumaas ang kilay nito at pinagkrus ang mga braso sa harap ko.
"Wala naman akong sinabi ah, saka di naman kita tinanong kung anong ginawa nila kagabi. Ikaw naman masyado kang defensive," ani Scarlette sa mapanuyang tono.
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Teen Fiction" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...