Chapter 23

159 9 0
                                    

Rejected

---

MABILIS lumipas ang araw. Sabado na ngayon at kakagising ko lang. Bumaba ako matapos kong maligo at magbihis.

“Kuya, magbibisekleta lang po ako.”

“Bumalik ka kaagad at baka maabutan ka ng ulan.”

Umangkas na ko sa bisekleta ko at nag-umpisang magpedal. Medyo makulimlim ngayon ang panahon at baka maya-maya lang ay uulan na.

Naisipan kong maglibot-libot muna sa parke. Nakangiti kong pinagmamasdan ang ilang mga batang naglalaro. Kakaunti na lang ang tao doon dahil nagsisiuwian na ang mga iba. Malamang uulan na kaya hindi na sila pwedeng magtagal sa parke.

Naalala ko bigla nang mga araw na pumanaw si nanay. Labis ang lungkot ko nun kaya lagi ako dinadala ni tatay sa parke para makipaglaro. Kahit papaano ay naiibsan nun ang pangungulila ko kay nanay.

Kaya ngayon, pinili kong magbisekleta sa parke at maglibot-libot para kahit papaano maibsan man lang ang bigat na nararamdaman ko.

Napapangiti ako sa tuwing may nakikita akong mga batang naglalaro. May mga naghahabulan yung iba naman kumakain. Tila wala silang problemang iniisip.

Hindi ko namalayang natagalan ako sa paglilibot dahil nagsimula ng magpatakan ang malalaking butil ng ulan.

“Sh*t”

Binilisan ko ang pagpepedal. Sigurado akong papagalitan ako ng mga kuya ko pagnalaman nilang nabasa ako ng ulan.

“Buwis*t naman!” napapikit ako nang maramdaman ang sakit na nagmumula sa malalaking patak ng ulan. Hindi maiwasan na tumama ito sa iba't ibang bahagi ng katawan ko.

Habang mas binibilisan ko ang pagpepedal ay mas sumasakit ang pagtama nito sa mukha ko.  Kinabahan ako ng hindi ko na makontrol ang manibela ng bisekleta ko at gumewang-gewang na ko sa daan.

Kinabahan ako ng bumosina ang ilang mga sasakyan. At mas dumoble ang kaba ko nang mapagtantong nasa gitna na pala ako ng daan. Nilalamig na ko at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa pinaghalong kaba at takot.

“AAH!”

Huli na ng makita ko ang papalapit na van. Natumba ako ng dis-oras at sa sobrang kaba ay napapikit ako. Inaasahan kong mababangga ako pero makalipas lang ang ilang segundo at tanging pagpatak ng malalamig na butil ng tubig lamang ang tangi kong nararamdaman.

Unti-unti kong inimulat ang aking mga mata. Isang rebulto ng lalaking may dala ng payong ang lumalapit sa gawi ko.  Ilang segundo din akong nakatitig sa sapatos nito bago ako umangat ng tingin.  He’s wearing a navy blue t-shirt, black jeans and a black sneaker.

“Javier…”

Malamig ang titig nito sa akin. Pilit kong binabasa ang ekspresyon nito ngunit nabigo ako.

“Get in,” malamig na wika nito.


---



HUMINTO muna kami sa café delights dahil ayoko munang umuwi. Ayaw kong mapagalitan ni tatay at ni Kuya dahil nabasa ako ng ulan.

Dumating ang inorder naming hot chocolate. Buti nga lang at hindi kape ang nabili niya dahil baka masuka pa'ko. Humigpit ang hawak ko sa ibinigay sa akin ni CJ na tuwalya. Nakaramdam ako ng hapdi sa tuhod ko at napangiwi ako nang makitang dumudugo iyon. Hindi ko namalayang may sugat pala ako.

Umangat ako ng tingin para makita siya.

“Salamat pala,” saad ko.

Hindi siya umimik at ibinaling ang atensyon sa labas ng café kung saan grabe pa rin ang ulan.

Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon