Chapter 17

186 7 0
                                    

Necklace

---

"Claire,"agad akong umiwas nang makitang papalapit sina Leandro at Dale.

Halos araw-araw ganito lagi ang eksena. Mula sa bahay hanggang dito sa paaralan ay hindi pa rin niya akong magawang tantanan. Maskin sa pag-uwi ko, namomroblema pa ako kung paano ako makakalusot sa kanya.

Lakad-takbo ang ginawa ko para lamang makalayo sa kanila. Halos mawalan na rin ako ng hininga dahil sa sobrang pagod.

Ewan ko ba kung bakit pero siguro ginagawa lamang niya ito dahil sa deal. Kaya nga ako lumalayo dahil parang nasasaktan ako tuwing naalala na kaya nga pala kami nagkasundo dahil gusto niya ng pangalawang pagkakataon ng pinsan ko samantalang gusto ko naman magkagusto sa'kin ang kaibigan niya.

Hindi ko kayang harapin siya ngayon.

"Claire sandali!"

Napamaywang ako at napapikit ng mariin habang unti-unti silang nilingon.

"Ano na naman?!"

Pareho kaming hinihingal.

"Kung nandito kayo para sabihing magkikita kami ni Javier para sa deal pwes umalis muna kayo! Wala ako sa mood para pag-usapan yun. Saka marami akong ginagawa kaya sa susunod na lang muna!" giit ko.

Nang maramdamang hindi na ako kinakapos sa paghinga ay saka ko sila tinalikuran ngunit natigilan lamang ako nang hablutin ni Leandro ang braso ko.

"Claire kailangan namin ng tulong mo," wika niya habang hinihingal.
Kumunot ako noo ko sa sinabi niya.

"Ano?"

Pinahid muna niya ang pawis sa kanyang noo bago muling nagsalita, "Nanggugulo si CJ sa café delights ngayon. At hindi namin siya magawang awatin kaya naisip namin na baka matulungan mo kami," saad niya.

Kinabahan ako sa narinig. Bigla kong naalala ang nangyari doon sa kaarawan ng pinsan ko.

"Kapag di ka pa dumating dun baka mabasag na niya ang lahat ng mga plato dun"

"Baka nga masira pa niya pati glass wall eh."

Napalunok ako saka bumuntong hininga bago kinuha ang braso ko sa pagkakahawak ni Leandro.

"Bakit di si Chloe ang puntahan niyo? Sigurado naman akong madali lang mapaamo ng pinsan ko ang mokong na yun eh," giit ko pa.

Natahimik ng dalawa at sandaling nagkatitigan. Tila iniisip nila kung ano ang sasabihin sa'kin.

Tumango si Leandro kay Dale at ganun din ang ginawa nito.

Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng lumuhod ito sa harap ko kaya napapalingon na lang sa amin ang mga estudyanteng napapadaan.

"Pakiusap Claire! Nakikiusap kami sa'yong puntahan mo na si CJ sa café delights. Nakasalalay ang buhay namin dito kaya nakikiusap kami sa'yo Claire!" sa ekspresyon pa lamang ni Dale ay parang maiiyak na ito.

Ganun na ba ka lala ang ginawang gulo ng kaibigan nila sa café delights?
Bago pa kami makatawag ng pansin ay pinatayo ko na si Dale. Agad ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat habang mariin ko siyang tinitigan.

Anong problema ng dalawang 'to?

"Dale, nagkakamali ka ng pinuntahan. Sa pinsan ko kayo dapat pumunta at hindi sa'kin," saad ko bago ako tumalikod.

'Bakit ba kasi gumagawa ng gulo itong si Javier!

"CLAIRE! PAKIUSAP CLAIRE!"

Hindi pa man ako nakakalayo sa kanila ay natigilan na ko. Saglit akong napapikit bago sila nilingon.

Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon