Traidor
---
Napapikit ako nang umihip ang malamig na simoy ng hangin.
Napangiti ako nang makita ang malalayang ibon sa kalangitan.
Hindi ako kaagad nakatulog kagabi dahil sa nangyari.Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang pagdampi ng labi ni Felix sa pisngi ko. At hanggang ngayon hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang pagtanggi ni Cj na halikan si Chloe.
Pagkakataon na niya sana eh.
"Claire!", sigaw ni Chloe sa di kalayuan.
Umagang-umaga nang gisingin ako ni Chloe. May pupuntahan daw kami, at siguradong magugustuhan ko daw ang lugar na yun.
"Tara na!" sigaw niya ulit.
Mabilis na lumapit ako sa kanya.Natanaw ko mula sa likuran niya sina Cj at Felix, pare-pareho silang nakapuwesto sa kani-kanilang mga motor.
"Ready ka na, insan?" tumango ako sa tanong ni Chloe.
"Saan galing yan?" tanong ko at itinuro ang motor na sinasandalan ng dalawa.
"Nagrenta sina Cj ng motor malapit dito."
Felix smiled genuinely when I glanced at him. Hindi ko alam kung paano siya sisimulang kausapin dahil sa nangyari kagabi.
"Wear this."aniya at ibinigay sa akin ang helmet. Agad ko naman iyong kinuha.
Tumiim ang bagang ni Cj habang pinapanuod kami. Nakaangkas na sa kanya si Chloe habang niyayakap siya nito mula sa likuran.
"Sumakay ka na."
Naputol ang pagtingin ko sa kanya ng magsalita si Felix. Umangkas na lang ako sa motor niya.
"Saan ba tayo pupunta?" mahinang tanong ko sa kanya.
"Basta, sigurado namang magugustuhan mo yun." aniya
Napasinghap ako ng kinuha niya ang mga kamay ko at pinulupot iyon sa kanyang bewang.
"Kumapit ka ng mabuti." giit niya bago pinaandar ang kanyang motor.
Napahugot ako ng malalim na hininga habang pinapanuod ang pagyakap ng pinsan ko kay Cj.Malamig ang titig nito sa kalsada, para bang wala lang sa kanya ang pagyakap ni pinsan ko.
Siguro naman ay naghuhuramento na ang puso niya dahil sa wakas at ramdam na ramdam niya ang yakap ng pinsan ko.
"Claire?"
"Hmmm?" ibinaling ko na lamang sa iba ang atensyon ko.
Kasama ko ngayon si Felix, kayakap ko siya kaya nararapat lamang na sumaya ako. Saka bakit ba ko nagpapaapekto sa Javier na yun?
"Do you want me to sing?" kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"H-Huh?" marunog siyang kumanta?
"Para di ka mainip, kakantahan nalang kita." He said.Bilib din ako sa taong 'to. Parang wala lamang sa kanya ang ginawa niya kagabi.
'Malamang, marami na siguro siyang nahalikan kaya parang wala lang sa kanya. Sanay na sanay yata eh.'
"Sige." sagot ko.
I remember when I was a child, I'd always put my ear on my mom's back every time she sings because it feels like her whole body is also singing.
Pumikit muna ako bago unti-unti humilig sa kanyang likod.
"The other night, dear, as I lay sleeping
![](https://img.wattpad.com/cover/209730169-288-k382441.jpg)
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Teen Fiction" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...