Preparation
---
NAGISING ako sa isang malakas na sigaw galing sa labas ng kuwarto ko.
Kinusot ko ang mga mata bago bumangon. Napa-aray kaagad ako ng iunat ko ang katawan. Masakit sa bandang balikat ko, pati na rin ang likod ko. Medyo mahapdi pa rin ang mga labi ko.
'Buwisit na Erika!'
"HOY MARIA CLARA GISING NA!"
"Tay, kakagising ko lang po!" sigaw ko bago bumangon.
"Bilisan mo't magbihis ka na. Pupunta tayo ngayon sa bahay ng pinsan mo, tutulong tayo sa pagdedesenyo," aniya bago tuluyang umalis.
Napahikab ako bago nilingon ang orasan at nakitang tanghali na pala. Mabilis na kinuha ko ang tuwalya bago pumasok sa cr at naligo.
Napangiwi ako nang makita ang sarili sa salamin. Putok ang labi ko at may mga pasa ako sa braso at balikat.
Suot-suot ko ang isang puting long sleeves para maitago ang mga pasa. Naglagay din ako ng kaunting liptint sa bibig para matabunan ang labi kong pumutok. Sana nga ay hindi ito mapansin ng mga kuya ko.
Matapos kong ayusin ang sarili ay pumunta ako ng bintana para makita ang mga ginagawa ng kuya ko sa labas.
Busy sila sa paglalagay ng mga materyales sa pick up ni tito Rudolf. Gagamitin kasi ito para sa birthday party ni Chloe.
Chloe will turn 17 soon. Kaya nga sabi ng mga magulang niya ay magpapaparty sila. Bukod kasi sa nag-iisang anak lang nila ito ay ito lang ang paraan nila para makabawi sa anak nila.Ilang taon din naman kasi silang nawalay sa anak nila dahil sa trabaho at ngayon lang daw sila ulit nagkasama.
"Oh bunso, sakay na."
Kasama kong sumakay sa tricycle si tatay at si Kuya Friday habang nasapick up naman ang mga kapatid ko. Nagsarado muna ngayon ang talyer, pagtutuonan daw muna nila ang pagtulong sa party.
"Bunso, hindi ka daw nag-almusal. Gusto mong kumain muna tayo sa café delights?" alok sa'kin ni tatay habang nagmamaneho ito.
"Wag na tay, dumaan na lang po tayo sa bakery. Tinapay na lang muna ang kakainin ko," giit ko.
Tahimik akong nakasakay sa harap ng tricycle namin habang kinakalikot ang cellphone ko.
Puro texts kaagad ang sumalubong sa'kin. Ang iba'y kay Scarlette pero ang iba nama'y kay Cj.
Scarlette:
Saan ka? Gala tayo :)I replied immediately.
Ako:
Sorry busy ako, tutulong pa ko para sa party :(Charles Javier:
Where are you? Cafe Delights?Ako:
Pupunta ako kina Chloe, may gagawin lang. Sa susunod na lang siguro ako pupunta sa Café Delights.
Dumaan kami sa bakery at bumili ng pandesal bago pumunta sa bahay ni Chloe.
Ang daming tao ang nandoon. Abala ang lahat, may mga katulong nila na nagsasabit ng kulay rose gold na kurtina, may mga nag-aayos ng bulaklak at mayroon ding naglilinis.
Sa kabilang banda nasa hardin si Chloe at abala sa pagtikim ng ilang mga cupcakes at cakes na ihahanda para sa birthday niya. Saglit na nagtama ang tingin namin pero umiwas din siya kaagad.
Dati naman ay kapag alam niyang nandito ako ay mabilis siyang lumalapit sa'kin at niyayakap ako, pero ngayon hindi na.
"Claire?!"
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Teen Fiction" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...