Untitled
---
“Claire, hatid na kita.”
Natigil ako sa paglalakad at hinarap si Felix. Bakas sa kanyang mukha ang pag-alala, siguro ay naramdaman rin niyang wala ako sa mood para makipag-usap. Kanina pilit siyang nakikipag-open ng topic sa pagitan namin pero tipid lang lagi ang isinasagot ko sa kanya.
Binigyan ko siya ng mapait na ngiti.
“Wag na, mauna ka na. Baka hinahanap ka na rin sa bahay niyo.”
Hindi niya ako hinayaang talikuran siya dahil mabilis niyang hinablot ang aking kamay.
“May problema ba?” aniya.
Ganito siguro ako ngayon dahil sa nalaman ko kanina. Hindi ko nga alam kung paano ko napipigil ang pag-agos ng luha ko.
“W-Wala, masakit lang ang ulo ko,” pagsisinungaling ko.
“Kaya nga, ihahatid na kita.”
Bumuntong hininga ako. Sa totoo lang ay ayaw kong makipag-argumento. Masyado akong nasaktan sa nalaman at ayaw kong madagdagan na naman ang sakit na dinadala ko.
Hinayaan ko na lang siyang hilahin ang kamay ko. Pumarada siya ng tricycle at pinauna akong pumasok.
“Kaya ka siguro tahimik kanina kasi masakit ang ulo mo,” saad niya.
Hindi ako sumagot. Tahimik lamang kami hanggang sa makarating sa bahay.
Paano ko kaya haharapin si Javier? Magpapasalamat kaya siya? O baka naman di na niya ako kakausapin. Wala ng rason para makipag-usap pa ulit siya, paniguradong tapos na ang deal. Nakuha na namin ang gusto namin. Pero sa di inaasahang pangyayari, nahulog ako mismo sa sariling bitag ko.
“Uhm, Felix salamat sa paghatid,” wika ko.
He smiled. “You’re welcome.”
“Pasensya na kanina. Marami lang kasi akong iniisip saka masakit ang ulo ko kaya… kaya hindi tayo gaanong nakapag-usap,” saad ko pa.
Malamang, masasaktan siya kapag sinabi kong kaya ako nagkakaganito dahil si CJ na at si Chloe.
“Okay lang,” aniya. “Pero Claire, yung sinabi ko kaninang gusto kita at nagbabalak akong ligawan ka… seryoso ako.”
Napayuko ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Alam kong mula grade 7 ay gustong-gusto ko na siya pero ngayon sigurado din akong hindi na. Someone has already replaced him.
Narinig ko ang pagtikhim niya. “Sige Claire, mauna na ko.”
Umangat ako ng tingin.Pilit siyang ngumiti at kinurot pa ang pisngi ko.
Pinanuod ko ang pag-alis niya bago ako pumasok. Gabi na kaya sarado na ang talyer at nasa loob na ang mga kuya ko.Sa pagpasok ko ay pansin kong tahimik silang lahat kaya nagtaka ako. Walang tao sa sala kaya dumiretso ako sa kusina. Tanging tunog ng kubyertos lang ang naririnig ko nang pumasok ako.
“Bakit ngayon ka lang? Gabi na ah.”
I suddenly stop when I heard those words. Matalim akong tinitigan ni kuya Monday. Halatang galit siya.
“M-May dinaanan lang ako kanina, kuya.”
Napailing siya. “Pag nalaman kong iba ang pinagkakaabalahan mo, lagot ka sakin,” aniya sa seryosong tono.
Hindi ako nagawang lingunin ng mga kuya ko. Tumango na lang ako sa sinabi ni Kuya Monday at nagpaalam na magbibihis.
Napasandal ako sa pinto pagkapasok ko sa kuwarto. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Ang bigat ng pakiramdam ko, sobrang bigat. Umasa ako, inakala kong pareho kami ng nararamdaman. Binigyan ko ng mga malisya ang ginawa niya, pero sa huli kaya niya pala ginawa yun dahil sa deal.
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Novela Juvenil" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...