Chapter 30

220 5 0
                                    

Leaving

---

Lumapad ang ngiti ko nang makita ang sarili sa salamin. Wala sa sarili kong sinusuklay ang mahaba at kulot kong buhok, kaunting make up lang din ang nilagay sa akin at pinaayos na nila tatay ang buhok ko sa kakilala nilang parlorista.

Natigil ako sa pag-aayos nang makarinig ako ng katok sa pinto.

“Anak, ayos na ang trycicle ikaw na lang ang hinihintay.”

“Tapos na po ako tay, bababa na po ako maya-maya.”

Ngayon ang araw kung saan magtatapos na’ko ng pag-aaral. Nakakalungkot nga lang dahil wala si nanay para panuorin ako ngayon. Kung nasaan man siya, paniguradong masaya siya ngayon kasi sa wakas unti-unti ng nakakamit ng bunso niya ang mga pangarap nito.


Ngayong araw, kumpleto ang mga kuya ko. Si tatay ang magsisilbing driver namin mamaya, samantalang sila naman ang aalalay sa’kin.

Nakangiti ang mga ito nang makababa ako. I am wearing my white toga. Nung isang linggo lang ay nagulat ako nang ibinili ako nina tatay ng sapatos, ito daw kasi ang gagamitin ko sa araw ng graduation. Nakakatuwa nga dahil mas excited pa sila kaysa sa’kin.


Muli kong tinignan ang sarili sa salamin. Kung nandito sana si nanay, sila sana ni tatay ang magsasabit ng medalya ko mamaya. Lumapit ako sa bedside table ko at marahang hinaplos ang larawan ng nanay ko.


Nagiging okay na kami ni Kuya Monday, si Kuya Tuesday at Wednesday naman ay nakahanap na ng trabaho, si Kuya Thursday ay ipipursue ang pagiging teacher at si Kuya Friday naman ay nag-aral uli’ sa kolehiyo. Kung nandito sana si nanay, siguradong matutuwa iyon.


“Bunso, ako mamaya ang kukuha ng litrato sa’yo,” ani Kuya Thursday at itinataas pa nito ang hawak na camera.



“Saan mo nakuha ‘yan?” sabay kaming napalingon kay Kuya Monday at Wednesday na kakababa lang din.


“Ninakaw mo?”


“Gag* ka Wednesday! Hindi ako kagaya mo,” depensa nito. “Binili ko ‘to no.”


Bahagyang tumawa si Kuya at ginulo lamang nito ang buhok ni Kuya Thursday.


“Malamang, second hand ‘ata yan eh!”



Natigil sila sa pagbibiruan nang dumating na si tatay dala ang susi ng tricycle namin. Kasama kong umupo sa harap si Kuya Friday, sa likod naman namin si Kuya Tuesday at Thursday samantalang si Kuya Monday at Wednesday naman ay susunod na lang. Isasarado pa kasi nila ang talyer namin kaya hindi sila makakasabay.


“Ano ba naman ‘yan bunso, hindi ka man lang sinundo ng boyfriend mo.”


“Anong boyfriend? Hindi ko boyfriend yun no,” depensa ko. “saka busy din yun.”



“Sus, hindi raw boyfriend…”


Pinanliitan ko ng mata si Kuya kaya natahimik na ito.


---

NAKARATING kami sa school. Nauna na kaming pumasok nina Kuya Friday dahil ipapark pa daw nila ang tricycle namin. Nagpaalam kaagad sa’kin si Kuya na mauna na muna ako dahil pupunta pa siya ng CR kaya mag-isa akong pumasok ng gym.


Sumalubong kaagad sa akin si Scarlette na naka-bun ang buhok samantalang naka ponytale naman si Megan. They are also wearing a light make up. Bumagay iyon sa mapuputi nilang mga balat.



Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon