Failed
---
Para bang ang bigat ng pakiramdam ko habang kasama siya sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay.
"Salamat," saad ko.
"Claire," natigilan ako sa pagpasok sa gate nang marinig siyang magsalita.
"Wag mo ng uulitin yun."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ang alin?"
"Ang ilagay ang sarili mo sa kapahamakan. Wag mo ng uulitin yun," umawang ang bibig ko sa sinabi niya.
Hindi na ko nagsalita habang pinapanuod siyang umalis. Wala akong imik hanggang sa makapasok ako sa kwarto.
Muntik na yun kanina, ilang pulgada na lang at maghahalikan na kami.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang paghuhuramento ng puso ko. Bakit kaya?
---
ANG bilis dumaan ng mga araw. Miyerkules na at may plano pa kaming gagawin ni Cj.Maaga akong nagising para ihanda ang sarili sa pagpasok sa school.
Napangiwi pa ako ng makita ang sarili sa salamin. Ilang beses ko pang inayos ang buhok ko para bumagay sa itsura ko.
Hindi gaano kaputi ang balat ko kumpara kay Chloe. Napakalayo talaga ng agwat namin sa isa't isa.
Marunong siyang mag-ayos, maganda, matalino, at maraming nagkakagusto sa kanya. Samantalang ako?
"Aargh! Stop comparing yourself, Claire!" saway ko sa sarili.
Matapos kong mag-almusal ay inihatid na ako ni Kuya Wednesday.
Hindi na sumabay sa'min si Chloe dahil ihahatid na lang daw siya ng papa niya.
Napangiwi ako habang pinagmamasdan ang ayos ng Kuya ko.
"Maghaatid ka lang naman sa'kin pero ba't nakapolo ka? Saka require din bas a paghatid ang magsuot ng ripped jeans at sapatos?"pinagkrus ko ang mga braso habang mapanuya siyang tinitigan. "Ang totoo, ihahatid mo ba ako o may liligawan ka na naman?"
Napanguso siya sa sinabi ko. Inayos muna nito ang kanyang buhok bago nagsalita.
"Siyempre, kailangan magmukha akong prisentable sa harap ng maraming tao no," inis na inirapan ko siya bago pumasok.
"Claire, hindi mo na naman kasama ang pinsan mo!?" my eyes rolled as I heard her annoying voice.
Araw-araw na lang ba ako tatanungin ng babaeng 'to?
"Alam mo Claire, I smell something... something fishy," inis ko siyang binalingan.
"Alam mo Scarlette, baka sa ilong mo lang 'yang sinasabi mong malansa. Try mo rin kayang linisan ang ilong mo, baka makalanghap ka pa ng sariwang hangin," saad ko bago siya tinalikuran.
"Oy! Grabe naman 'to!" hinabol niya ako. "Hindi na mabiro."
Chloe was excused. May practice sila buong umaga para sa darating na culminating mamayang hapon. The whole morning was boring.
---
NATAPOS ang buong umaga at natapos na din kaming maglunch. Napagdesisyunan na rin naming pumunta ng gym dahil ilang minuto na lamang at magsisimula na ang program.
"Claire dapat sa harap tayo umupo, para kitang-kita talaga natin ang mga nagsasayawan mamaya," giit ng kaibigan ko habang itinuturo ang pinakamalapit na upuan sa harap.
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Teen Fiction" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...