Chapter 33

208 6 0
                                    

Accident

---



6 years later…

CJ:

Papunta na ko:)


Napailing ako sa ni-reply sa’kin ni CJ. This past few weeks napapansin kong abala masyado si Javier. Minsan na lang ito kung pumunta sa bahay, hindi na rin siya masyadong nagme-message sa’kin. Siguro nga ay busy lang talaga ito sa trabaho.


Bumuntong hininga ako bago ibinalik ang cellphone sa bulsa. Hindi ko namalayang mabilis na lumipas ang panahon. Anim na taon din ang lumipas simula nung maging kami ni Javier.



Pareho kaming may mga trabaho. Sa kumpanya siya ng tito Lawrence nito nagtatrabaho samantalang accountant naman ang akin. Magkalayo kami pero gumagawa pa din naman siya ng paraan para kahit papa’no nagkikita’t nag-uusap kami.


“Zion,  come here!”

Tuwang-tuwa ang bata na lumapit sa’kin. Ginulo ko ang buhok nito atsaka binuhat.


“You want this?” tanong ko habang pinaglalaruan nito ang pendant ng kuwintas ko. “Tito CJ gave this to me.”



Ngiting-ngiti ito na tila ba naiintindihan talaga ang sinasabi ko. Natawa ako nang bigla nitong sinubo ang pendant.


“That’s dirty, Zion,” suway ko at kinuha iyon.


Anak nina Ate Alice at kuya Josh si Zion. Akala nga nila’y hindi na sila magkakaanak yun naman pala nalate lang ng dating itong si Zion. Nagulat nga kami nang sabihin nilang masusundan pa ito dahil buntis na naman ang pinsan ko. Magiging kuya na si Zion namin.



Nakangiting lumapit sa akin si Kuya Josh at kinarga ang anak nito. Samantalang nakahawak naman sa kanang braso nito si Ate Alice.


“Ang kulit ng anak mo,” reklamo ko.


“Love, patulugin mo muna,” saad ng pinsan ko sa asawa nito.


“Alright,” saad ni Kuya Josh at hinalikan sa pisngi si Ate bago umalis.


“Nasaan si CJ?” tanong nito sa’kin.



“Papunta na raw dito,” sagot ko.


Medyo malaki na ang tiyan nito. Limang buwan na kasi siyang buntis. We are very happy nung in-announce nito na magkakababy uli’ sila ni Kuya Josh. Habang tumatagal lalong lumalaki ang pamilya namin.



“You know, you must try my lasagna,” ani nito at iginiya ako papuntang mesa.


Nandoon ang mga niluto niyang lasagna. Hobby niya ang magluto kaya nagpatayo siya ng sarili niyang restaurant sa Tagaytay.


“Ilalagay mo ba ‘to sa menu mo?” tanong ko.


Tumango ito habang binubuksan niya ang taperware niya. Pinanuod ko siyang lagyan ng lasagna ang plato ko.



“Alam mo Claire, ‘pag nagkapamilya ka kinakailangan mong magluto para sa kanila. Kaya hangga’t bata ka pa, pag-aralan mong magluto,” aniya.


Matapos niyang lagyan ang plato ko ay umupo siya sa harap ko. Hawak-hawak nito ang umbok sa kanyang tiyan.


“Asawa agad? Masyado kaming busy sa career namin no!” wala sa sarili kong tinusok ng tinidor ang pagkain. “Saka… di pa naman siya nagpo-propose eh.”


Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon