Official
---
SA DALAWANG linggong lumipas, I learned how to value the people who makes me happy; si tatay, ang mga kuya ko, sina Chloe at si CJ.
Sa dalawang linggong ‘yon, napapadalas ang bisita sa akin ni CJ. Kung hindi bulaklak ang dala at tsokolate ay imported na alak naman. Kaya nga napapadalas na ang inuman ng mga kuya ko at ni tatay. Malakas tuloy ang pakiramdam ko na nagpapasikat itong mokong na to.
Ngayong araw, sinundo niya ako para magpasyal sa tabing baybayin ng Cassagrande. I suddenly closed my eyes as I smelled the salty sea air. I smiled when I heard the ocean waves. Natigil lamang ako sa ginagawa ng maramdamang hinawakan ni Javier ang kamay.
Unti-unti kong inimulat ang mga mata ko at mas lalo akong napangiti nang makitang nakatitig siya sa’kin.
“Someday, we’ll build our house here,”sabi nito at tinuro ang isang bakanteng lugar na malapit lang sa dalampasigan. May mga niyog na nakapaligid dito, di ito gaano kalawak pero masasabi kong maganda namang pagtayuan ng bahay dahil nakikita dito ang magandang tanawin ng dagat.
Huminga ako ng malalim at bahagyang ngumiti. Kung makapagsalita naman ‘to, akala mo naman magkakatotoo.
“May problema ba?” tanong nito at iginiya ako mismo malapit sa dalampasigan.
“Bahay talaga natin?”
“Why? Ayaw mo dito?”
The strands of my hair suddenly crossed my face. Kaya dali-dali kong inipit ang buhok ko sa likod ng tenga ko.
“Gusto ko,” sagot ko. “Pero sigurado ka ba talagang tayo pa rin hanggang sa… alam mo na, maipatayo mo ang sinasabi mong bahay dito.”
“Of course, I’ve always dreamed that someday we would live in our own home,” sabi ito habang naglalakad kami. “We will build our own family. A few years from now, we’ve been holding hands as we watch our children playing on the beach. We are talking our love language while they are building a sand castle.”
Maskin ako ay napapangiti sa ini-imagine niya.
“I love you, Claire,” aniya.
Natigil ako nang may maisip ako. Kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at lumuhod para kunin ang sandalyas na suot ko. Ginaya din nito ang ginagawa ko kaya naman ay pareho na kami ngayong naka-paa.
Buti nga lang at naka board shorts siya at ako naman ay nakadress na hanggang tuhod ang haba. Kahit papaano ay hindi kami mababasa.
The sand on which I was standing was flowing into my feet and out to the spaces between my toes. Hindi ko mapigilan ang mapayuko at tignan ang mga paa ko.
Napaangat muli ako ng tingin sa kanya nang pinagsiklop niya ang aming mga daliri.
“I love you”
Naghuhuramento ang puso ko sa narinig. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay nang hindi ako makasagot.
“By the way, kamusta ang pag-uusap niyo ng pinsan mo?” pag-iiba nito ng usapan.
“Uhm… were okay. Nagkaayos na kami, salamat sa concern.”
“Ang kuya mo? Hindi ko na nakikita ang Kuya Monday mo ah,” he said.
Ngumuso ako. “Siya ba? Bumalik na kasi siya sa trabaho.”
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. May mga batang naglalaro ng sand castle, may mga pamilya ring nag-uusap at may ilang mga kababaihang lumalangoy. Napaawang ang mga labi ko nang may mapadaang babaeng tanging suot lang ay color navy blue na two piece. Hindi ko maiwasang tignan siya mula ulo hanggang paa.
BINABASA MO ANG
Dealing With Him (Young Hearts Series #2)
Teen Fiction" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that is the reason why I am here, the reason why I am dealing with him." ~Claire. Maria Clara Mahinhin...