Chapter 8

196 6 0
                                    

Kiss

---

Matapos naming mag-usap ni Felix sa café delights ay hinatid niya ko sa bahay. Tumupad siya sa pangako niya sa'kin. Halos hindi nga ako makatulog nung gabing yun dahil sa sobrang kilig.

Lumipas ang dalawang araw. Sa dalawang araw na iyon ay ginawa ko nga ang sinabi niya.

"Mag-ingat ka dun bunso." giit ni kuya Friday habang binababa ang travel bag at maleta ko.

Lumapit si tatay sa'kin at inayos ang jacket ko, "Pag may nangyaring hindi maganda doon, tawagan mo kaagad ako."

Nagpaalam muna ako sa kanila bago napagdesisyunang pumasok sa bus.

Pagkapasok ko ng bus ay mga nagkakagulong estudyante agad ang sumalubong sa'kin.

I looked for a vacant chairs and I found Cj. He was talking with his friends, pero bakit naman siya nandito? Nang magkasalubong ang mga mata namin ay agad siyang natigilan.

"Claire, dito ka tabi tayo."napatingin ako sa gilid ng kinauupuan nila.

"Chloe, ang aga mo ah."napanguso ako at mabilis na lumapit sa kinauupuan ni Chloe.

"Sa tabi na lang ako ng bintana uupo."saad ko at uupo na sana sa bintana ng iharang niya ang kamay niya.

"Eh baka mahilo't masuka ako kapag hindi ako uupo sa tabi ng bintana." giit niya habang inaayos ang damit niya.

Napahinga ako ng malalim. Pareho kaming nahihilo kapag sumasakay sa bus. Gustuhin ko mang umupo roon ay hindi na lang. Mas mabuti na sigurong ako na lang muna ang magtiis ngayon kaysa makitang halos isuka na ng pinsan ko ang atay niya mamaya.

"Oh sige, dito na nga lang ako sa tabi mo." giit ko at umupo sa tabi niya.

Kasalukuyang nagkakagulo ang mga estudyante sa bus pero mabilis din silang bumalik sa kani-kanilang kinauupuan nang dumating ang adviser namin.

"Miss Mahinhin." tawag nito kaya nagkatinginan kami ni Chloe. "Miss 'Maria Clara' Mahinhin." napapikit ako nang tawagin niya ang buong pangalan ko.

"Y-Yes po ma'am?" tumayo kaagad ako nang sa gayun ay makita niya 'ko.

"Since you are the student council, can you check the attendance of your section?" tumango ako ng maalala na may ibinigay nga siyang papel na naglalaman ng listahan ng mga estudyanteng sasakay sa bus na 'to.

"Alright, get ready everyone. Pagkabalik ko, aalis na tayo." aniya bago lumabas .

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

Mabilis ko kaagad kinuha ang listahan sa bag ko.

Nakatingin sa'kin ang halos lahat ng mga estudyante, nag-aabang na tawagin ko ang mga pangalan nila.

"Adorio, Krist.", panimula ko.

"Nandito ako.", giit nito kaya nagtawanan ang mga kasama niya.

"D-Delafuente , Charles Javier!?", agad na binalingan ko ang lalaking minsan ko ng kinaiinisan. "Paanong nandito ka sa listahan?"

Nakasandal siya sa upuan habang nakapamulsa ito. Ilang segundo kaming nagkatinginan bago niya sinagot ang tanong ko.

"I just want to. May mali ba dun?", pamanuyang tanong niya sa'kin.

"But-"

"Pag gusto, may paraan Miss Mahinhin.", saad niya bago tuluyang umupo.

Hindi na ako nag-abalang tignan siyang muli dahil ayokong masira na naman ang araw ko.

Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon