Chapter 35

310 8 0
                                    

Untitled

---

“Change your outfit, your skin is too exposed.”

Ngumuso ako. “Ano!? Tatlong beses na ‘kong nagbihis!”

“I don’t want you to wear bikinis and shorts,” aniya.

Napairap ako ng dis-oras at pinagkrus ang mga braso ko. His forehead creased as he was looking at me intensely.

“Hindi ako pwedeng magsuot ng bikini, pati shorts ayaw mo na rin. Anong gusto mong suotin ko? T-shirt  at pajama?”


“You can still swim even though you are wearing a shirt and-”


“Are you serious!?”

He sighed. “Okay, I’ll let you to wear shorts but wear t-shirt instead of sleeveless.” 

Tumiim bagang ito bago umalis. Napatitig ako sa salamin. I am wearing a navy blue sleeveless and faded short. Napabuntong hininga na lang ako at nag-umipsang halughugin ang bag na naglalaman ng mga damit ko.


Kumuha ako ng plain t-shirt at pinares sa suot kong shorts bago lumabas. Nasa dalampasigan na ito malapit sa mga kuya ko.


We decided to have a vacation here in Cassagrande. Kasama ko ang mga pamilya ko. Ang lima kong mga kuya ang nakatoka sa barbeque samantalang si tatay naman at ang ilan ko pang mga tiyuhin ang nagbabantay sa mga pamangkin ko. Sina Ate Alice at si Ate Ashley ay nag-uusap sa cottage. Sayang nga lang at bukas pa ang dating ng mga parents ni CJ.

“CJ!” tawag ko dito bago ako tuluyang lumapit sa kinaroroonan niya.

Umupo ako sa katabi niyang folding chair. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tignan siya. His hair is a little bit messy, his cheeks were now red, siguro ay dahil sa sikat ng araw. Ibinaba nito ang shades at mariin akong tinignan.

“Why?” tanong nito.

I pouted and gave him a glance. “Ang pangit mo pala.”

He chuckled at umayos ito sa pagkakaupo. Ngayon ay magkaharap na kami.

“Talaga? Kaya pala patay na patay ka sa’kin kasi pangit ako.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Aakang susuntukin ko sana siya sa braso ng kunin niya ang kamay ko. My lips parted when he suddenly pulled me close.

“Hinahabaan ko lang ang pasensya ko sa’yo,” he said.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. Bakit naman niya hahabaan ang pasensya niya? Galit ba siya sa’kin?

“Ano bang ginawa ko sa’yo?”

He smirked. “May mga lalaking titingin mamaya sa binti mo, sa tingin mo hindi ako magagalit dun?”

Umawang ang labi ko. “Malamang beach ‘to, natural lang na magsuot ako nito.”

Napasinghap ako ng mas lalo niya akong hinila dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. Pabalya kong hinampas ang dibdib nito kaya natawa siya.

“Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa’yo,” ani nito at sumimsim sa juice niya.

“Masyado ka lang kasing paranoid.”

“You can’t blame me, ayoko lang talagang may tumititig sa’yo,” inilahad nito ang juice niya sa’kin. “You want?”

“Hindi ako nauuhaw, salamat na lang.”

Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon