Hindi naman ako nage-expect ng matinong sagot mula sa kaniya dahil alam kong wala talaga akong mapapala. Nagbakasakali lamang talaga ako.
"Hindi mo alam? Ipapakilala pa sana kita kay Verity, sayang naman." may panunukso kong sambit.
Parang may kung anong kuminang sa kaniyang mata nang marinig iyon. Anak ng tinapa naman.
Ang tagal niya pang nag-isip bago sabihin sa akin ang totoo mukhang talagang pinag-iisipan. Ano ba ang kinakailangan niya pa na itago? Ikamamatay niya ba kapag sinabi niya sa akin kung sino iyon?
"Fine. Si Jared ang nagdala sa'yo diyan. Nakakaawa ka daw kasi."
'Yun lang? Tapos naghe-hesitate pa siyang sabihin kung sino. Kung kanina niya pa sinabi ay baka kanina pa kaming tapos.
"Bakit ka naman nakangisi diyan?" tanong ko nang mapansin na hindi nawawala ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.
"Sino bang ine-expect mong magdadala sa'yo diyan?"
Napakunot-noo ako sa sinabi niya.
"Panira ka talaga ng mood." inis ko namang sagot.
Hindi ako nainis dahil hindi si Kaius ang nagdala sa akin. Naiinis ako dahil napaka-oa niya. Pakiramdam niya ay nababasa niya ang isip ko when in fact ay hindi naman.
Tumawa naman siya nang tumawa.
"Nasagot ko na ang tanong mo ha. Yung deal natin."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Pagkatapos mo akong asarin? Wala na, binabawi ko na."
Sumimangot siya. "Wala ka talagang isang salita kahit kailan."
Talaga. Kahit pa anong pang-guilt trip niya sa akin ay hindi ko formally ipapakilala sa kaniyasi Verity.
Lumabas na ako sa room dahil recess na. Ang tagal ng oras, gusto ko ng magklase para kahit papaano naman ay tumahimik na ang buhay ko.
Nakita ko naman sina Elliana na magkakasama sa isang table kaya lumapit ako. May kung anong pinag-uusapan sila.
"I have this feeling talaga na gusto ka nung guy na 'yon Elli. What's his name again?" tanong ni Miranda.
"Jared. I agree. Why would he ask pa para sa opinion mo bago gawin ang isang bagay?"
Napapakunot ako ng noo nang marinig ang usapan nila. Jared? Yung isa pang friend ni Kaius?
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa kanila.
"Chane! Ito kasing si Elli, dine-deny pa na gusto siya ni Jared when in fact ay super obvious na naman."
I sighed. Hindi ko naman mapipigilan talaga na makilala nila ang mga iyon sapagkat nasa iisang school lamang kami.
"Where have you been?" tanong ni Miranda.
Iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanila pero napagpasyahan ko na huwag na lamang muna.
"May chineck lang ako kaya medyo natagalan."
"Kunin mo ito. Ibinili ka namin ng pagkain." iniabot sa akin ni Verity ang lasagna na nakalagay sa isang styro foam na lalagyan.
Ang tagal lumipas ng oras. Ang dami na naming nagawa pero hindi pa din sumasapit ang tanghali.
Papalapit kami sa tambayan nina Kaius ay kinakabahan na naman ako. Para bang hindi ako nasasanay na lumalapit sa mga bagay na konektado sa kanila.
Nakatambay sa labas ng silid sina Kaius. Naninigarilyo na naman siya.
Nang matagpuan kami ng kaniyang mata ay mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. Mas lalong dumilim.
BINABASA MO ANG
The Inevitable Call of Love | ✓
Любовные романыMaraming stages sa buhay natin kung saan nagiging in denial tayo sa mga emotions at nararamdaman natin. Sometimes, we do it for the better or para lamang maiwasan ang mga kinatatakutan natin. Pero paano kung kahit anong iwas mo ay pilit ka nitong h...