Bagot na bagot ako nang makarating ako sa pangalawang klase ko. Hindi na ako naka-abot pa sa unang klase ko. Tanggap ko naman na iyon ngunit nagbakasakali pa din ako, ngunit hindi talaga ako umabot.
"Mukhang napagsakluban na naman ng langit at lupa 'yang mukha mo ah? Tsaka bakit iba ang suot mo?"
Hindi na ako naglakas loob pang lingunin pa ang nagsabi noon. Hangga't maaari ay ayoko na mapalapit sa kanila. Ayoko din na mag-explain pa ng nangyari kanina at baka ma-highblood lamang ako.
"Bakit hindi mo na ako pinapansin?" iirapan ko na sana siya nang sumulpot siya bigla sa harapan ko at hinila ang desk ko.
"Wala tayo sa horror booth, malayo pa ang intramurals kaya wag mong ipakita 'yang mukha mo sa akin."
Isang malakas na hampas ang iginawad ko sa kaniya nang mag-puppy eyes lamang ito sa akin.
"Napakamapanakit mo talaga. Buti hindi ganiyan si Verity ko."
It hits me. Again.
Why do they always need to compare me to her? Kotang-kota na ako sa sarili ko. Hindi na nila kailangang sabihin iyon dahil ginagawa ko na din naman. At hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit.
Nahihirapan ako huminga. May kung anong bumara sa aking lalamunan sa narinig ko. Tiningnan ko lamang si Dash. Lumaban siya ng tingin at itinagilid ang kaniyang ulo.
Mabilis ang aking paghinga. Magsasalita pa lamang siya ay kinuha ko na ang mga gamit ko para umalis.
Hinanap ko si Everleigh. I need the peace she can give me. Para bang ang tahimik lang ng lahat kapag kasama ko siya, siguro dahil na din tahimik siya.
"Leigh!" sigaw ko nang makita siya sa isang bench na malapit sa gym.
Nakailang tawag pa ako bago pa niya ako marinig. Her face lit up. Alam kong nagtatampo siya sa akin pero pasalamat pa din ako dahil hindi niya ako iniiwasan.
Lumapit ako nang tuluyan sa kaniya.
"Bakit ganiyan ang suot mo? Anong nangyari na naman sa'yo?" batid ko ang pag-aalala sa kaniyang tono.
Ngiti lamang ang isinagot ko sa kaniya. "Wala. Natalsikan lang kanina nung naglalakad ako."
Wala lang talaga akong lakas ng loob para magkwento sa mga tao ng mga nangyari sa buhay ko.
Inaya ko si Leigh na pumunta sa cafeteria upang bumilli ng kahit anong makakakain. Pumayag naman siya at kailangan ko daw siyang ilibre dahil hindi na ako sumasama sa kaniya nitong mga nakaraang araw kaya naman pumayag na din ako.
Parang umurong bigla ang aking paan ang maaninag ko sina Kaius at ang kaniyang mga kaibigan sa isa sa mga table.
Ayaw ko namang biguin si Leigh kaya nagdire-diretso pa din ako. Hindi ko man sila tinatapunan ng tingin ay alam kong nasa sa akin ang atensyon nila.
Hindi na lamang ako titingin, kahit pa dumaan ako sa harap nila. Puro mura na ang nasa isip ko at parang ang bigat na ng bawat hakbang ko nang biglang may tumakid sa akin.
Namali ang pagkakabagsak ko. Ang sakit ng paa ko.
"Oh my Gosh. Kaius what have you done?! Are you out of your mind!" sigaw ni Everleigh.
Nagulat ako sa naging sigaw niya. Hinila ko nang bahagya ang damit ni Leigh para pakalmahin siya. Nang tingnan ko si Leigh ay hinila ng presensya ni Kaius ang aking atensyon.
Malamig na tingin ang iginawad niya sa akin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pilit na tumatayo ngunit hindi ko talaga kaya. Bearable naman ang sakit kaya pinilit kong tumayo.
BINABASA MO ANG
The Inevitable Call of Love | ✓
Storie d'amoreMaraming stages sa buhay natin kung saan nagiging in denial tayo sa mga emotions at nararamdaman natin. Sometimes, we do it for the better or para lamang maiwasan ang mga kinatatakutan natin. Pero paano kung kahit anong iwas mo ay pilit ka nitong h...