Chapter 37

309 20 0
                                    

I was trembling. Binabalot ako ng magkakahalong emosyon habang patuloy lamang ako sa pagmamaneho. I have no direction but I'm eager to find my daughter.

Tumunog ang telepono ko. Nang tingnan ko iyon ay umasa ako nang konti na sana ay si Kaius ito ngunit hindi, it was... Mom.

I picked it up ngunit hindi ako nagsalita. I bit my lower lip.

"A-Anak..." that was her first word.

Bumuhos ang lahat ng emosyon na maaari kong maramdaman ngayon, magkakahalo, pero isa lamang ang nasisigurado ko, napakasakit. Nakakagalit. Nakakatampo.

"Ma... ang apo niyo... save her." I said sobbing. Again, I once sounded like a child ranting to her mom.

"I'm sorry, anak..." she said crying.

Halos mapatulala ako dahil sa sinabi niyang iyon. Bakit siya nagso-sorry kung ligtas naman ang anak ko hindi ba? Hindi naman siya dapat hihingi ng tawad dahil maiiligtas pa ang anak ko.

"No, hindi pwede! Save her! Please!" I shouted and hit the steering wheel. Patuloy ako sa pagsinghap. "She's a wonderful girl, she saved me." halos hindi na ako makahinga dahil sa patuloy kong pag-iyak. "Please? Save her..."

Hindi. Kaya kong bitawan ang lahat ng tao pero hindi siya. Hindi ang anak ko. Bakit siya pa? Sa lahat ng masasamang tao sa mundo na maaaring kunin, bakit siya?

"Patawarin mo ako sa lahat ng mga nagawa ko sa'yo ha. Mahal kita, mahal na mahal." humagulhol si Mama sa kabilang linya. 

"Ano bang sinasabi mo, Ma?! Hawak mo ba ang anak ko? Huwag mo siyang sasaktan, please?"

"Mahal na mahal ko kayo ng apo ko. Hindi ko sinasadya lahat ng mga sakit na naidulot ko sa'yo... sa inyo ni Kaius." rinig kong singhap nito. "Alam kong hindi mo na ako gugustuhing maging ina pero gusto kong malaman mo na proud akong naging anak kita." 

Namatay ang tawag. My sight was blurry because of the tears. Kahit pilitin ko ang sarili ko na kumalma ay hindi ko magawa.

I tried calling Tito, Tita, and even Zhara but none of them would answer my calls. Palagi lamang matatapos ang pagri-ring ngunit hindi naman nila nasasagot.

That time... I had no one. Wala akong magawa. I felt so unworthy and useless.

Gusto kong tumulong sa pagliligtas sa anak ko ngunit wala akong magawa, hindi ko alam kung saan pupunta. I know that I couldn't ask for the help of the police because that can trigger the situation.

Wala na sa katinuan ang mga may hawak sa anak ko at ayokong dagdagan ang kabaliwan nila.

I found myself slowly walking towards Dash's tomb. At nang malapit na ako ay napaupo na lamang ako roon, I felt so useless. Pakiramdam ko ay napaka wala kong kwentang ina, napakawala kong kwentang tao.

"Huwag mo namang isasama sa'yo ang anak ko... ang inaanak mo." I jokingly said while crying. "Hindi ko na kakayanin, baka sumunod na rin ako sa inyo kapag nangyari iyon."

Humagulhol ako roon. Wala na akong pakialam kung may makarinig man sa akin.

"Napakawalang hiya nila, pati inosente kong anak ay dinamay nila. Multuhin mo sila, kunin mo na rin." I said while crying. "Ang malas-malas ko, alam mo ba iyon?"

I laughed. "Paniguradong alam mo naman na iyon dahil for sure ay pinapanood mo ako mula diyan, pampam ka talaga!" I looked up kahit na kisame naman ng bahay ng kaniyang pinaglilibingan ang nakikita ko.

"Masama ba akong ina?" tanong ko at tumitig sa puntod niya. "Ginagawa ko naman lahat pero bakit hindi pa rin sapat?" bumuhos ng muli ang aking luha. "I'm not good enough for anything and it sucks!"

The Inevitable Call of Love |  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon