Hindi ako iniwan ni Dash doon. He stayed and talked to me para kuno malibang naman ako.
"Kamusta ka naman ngayon? Ang puso mo?" tanong niya.
Napatigil ako sa tanong niya. I always answer people na ayos lang ako at nakaka-move forward ako pero ang totoo ay hindi ko pa din talaga alam.
"Hindi ko alam. Hindi ko ma-figure out kung totoo bang nakaka-move forward ako kahit papaano o sadyang galit lang ako sa kaniya kaya nafu-fuel 'non ang pagkalimot ko sa kaniya."
He gave me a serious look. "Galit na galit ka ba kay Kaius?"
Tumingin ako sa kawalan bago sumagot. "Siguro? Oo? After what he did, sino ba namang hindi." mahina akong tumawa. "He left me with completely not acceptable reason, paano naman ako magmo-move on sa lagay na iyon?"
He pats my shoulder at ngumiti sa akin. "Kaibigan ko si Kaius and for sure may mahalagang rason sa likod noon."
"Kagaya ng?"
"Siguro he wanted to save you from himself. Hindi ka na niya mahal di ba?" diretso niyang tanong.
Ano? Wala man lang preno ang pagtatanong? Talagang isinasampal na hindi na mahal?
"Oo na nga di ba? Hindi na daw niya ako mahal."
"Ayaw niya lang na mag-stay ka pa sa kaniya knowing na possible na mas masaktan ka pa nang dahil sa kaniya kung ipagpapatuloy n'yo kung anong mayroon kayo." aniya at tumingin sa akin. Ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binibitawan niya. "Kilala ko si Kaius, he doesn't want to hurt you."
After that last sentence na sinabi niya ay parang may bumara sa lalamunan ko kaya tumawa na lamang ako.
"He doesn't want to hurt me? Really, Dash?" umiwas muli ako ng tingin, hindi ako iiyak. "He already did at wasak na wasak ako."
Conversation about this topic makes me reveal my vulnerable side. I don't mind tho dahil alam kong hindi naman ako iju-judge ni Dash kaso ay nahihiya ako.
Nasa sa akin lamang ang atensyon niya at kung minsan ay nag-iiwas siya ng tingin. Nababasa ko ang awa sa mga tingin niya. Right. This is one of the reasons why I don't want others to know my side dahil kaaawaan nila ako.
"You loved him so much and it's too much." he smiled. "I'm sorry, Chane. I'm sorry for what you have been through. Andito lang kami palagi." he pats my head and taps my shoulder.
"Thank you, Dash. Marunong pala mag-comfort ang utot, now I know."
Humalukipkip siya at tumaray. "Sama talaga ng ugali mo sa akin."
I laughed and all became so light again. Nang magtatanghali na ay napagpasyahan ko ng umuwi kaya nagpaalam na ako sa kaniya. Iniwan ko siya doon. Hindi ko naman mahanap si Nathan at Everleigh kaya dumeretso na ako pauwi.
"Mama!" tumatalon-talon ako papasok ngunit natigilan ako nang madatnan kung sino ang nasa loob ng bahay namin.
"Chane..." tila nagulat na sabi ni Mama.
Wow. Just wow. So, she is having this cute little chitchat habang nagl-lunch kasama si Ate Maia and Kaius with Ate Winter and Logan?
"Sa taas na po ako." mahina kong sambit at tinahak na ang aming hagdan. Iyon ang pakiramdam kong tamang sabihin ng mga oras na iyon.
May kakaiba akong sakit na naramdaman. Mama is well aware kung anong mayroon at nangyari sa amin ni Kaius and now she is here with Kaius and Ate Maia having their cute little lunch? Hindi niya man lang ba ako naisip?
"Chane. Mamaya ka na umakyat, kumain ka muna dito."
Natigil ako at mahigpit na napahawak sa mga dala ko. "Hindi na po, baka hindi ako matunawan." sagot ko na hindi nililingon ang dining.
![](https://img.wattpad.com/cover/210578264-288-k176146.jpg)
BINABASA MO ANG
The Inevitable Call of Love | ✓
RomanceMaraming stages sa buhay natin kung saan nagiging in denial tayo sa mga emotions at nararamdaman natin. Sometimes, we do it for the better or para lamang maiwasan ang mga kinatatakutan natin. Pero paano kung kahit anong iwas mo ay pilit ka nitong h...