"Bakit ka muna umiyak?"
Kanina ko pa kinukulit si Kaius at hanggang ngayon ay ayaw niyang sabihin sa akin ang rason kung bakit siya umiyak kagabi. I'm kinda having a hint kung bakit siya umiyak pero hindi ako magiging masyadong assumera para panindigan at paniwalaan ang iniisip kong iyon.
"Wala nga. Napuwing lang ako tapos hindi matanggal kaya naiyak ako."
Pinanliitan ko siya ng mata, hindi naniniwala sa sinabi niyang palusot. "Hindi magiging ganiyan ka-paga ang mata mo kung napuwing ka lang."
"Mommy is right, Daddy." suporta naman sa akin ni Francia.
I winked at her.
"Anak, talagang Mommy is always right."
Hindi ko napigilan ang mapangiti sa sinabing iyon ni Kaius. Jusko. Hindi rin naman iyon totoo dahil kung minsan ay ayaw din magpatalo ng mga lalaki.
"Daddy, 'di ba po kapag family dapat sa kanila ka nagsasabi bakit ka nag-cry?"
Sumali na rin ang anak namin sa pangungumbinsi sa kaniya para ikwento na kung bakit siya umiyak kagabi.
Lumuhod siya upang maging ka-lebel ng anak namin. He fixed a few strands of her hair that were covering her eyes.
"Si Mommy ang aawayin natin kasi pinaiyak ako kagabi." he pouted.
Inosente namang napatingin sa akin ang anak namin, hindi siguro inaasahan na sa tagal kong pamimilit sa Daddy niya ay ako naman pala ang may kasalanan.
"At bakit ako?" nakapameywang kong tanong.
"She says she doesn't love me anymore." kay Francia niya iyon sinabi at bakas sa tinig niya ang lungkot.
Our daughter was shocked. Dahan-dahan itong napatingin sa akin at saka maya-maya ay nagusot na ang mukha. She burst out in tears saka yumakap kay Kaius at isinubsob ang leeg sa mukha nito.
Sinamaan ko ng tingin si Kaius dahil sa sinabi nito sa anak namin.
"Mommy, totoo ba?" she asked while crying.
Isa-isa namang lumabas sina Tito dahil sa lakas ng pag-iyak ni Francia. Makikita rin na dahil sa pagmamadali ay hindi na nakapagsuot pa si Tita ng tsinelas.
"What's happening here?!" nagpa-panic na tanong ni Tita.
Nag-angat ng tingin si Francia habang kinukusot ang mga mata. Ako naman ay natuod na sa kinatatayuan ko at nahihirapang gumalaw. Nananatili ang masama kong tingin kay Kaius kahit na ang kaniyang buong atensyon ay nasa anak namin.
"H-Hindi na r-raw po l-love ni Mommy si D-Daddy." she said while sobbing.
I gasped. Nasa akin na ang atensyon at tingin nilang lahat. Doon ay nagtama na ang paningin naming dalawa ni Kaius. I hate him.
Lumapit ako kay Francia at marahan siyang hinalikan. "Excuse me po." mahina kong bulong bago pumasok.
Hindi ko kaya pang manatili roon.
I was in range nang pumasok ako sa bahay. At suddenly ay ano? Bawal na akong magdesisyon para sa sarili kong buhay? Na kapag pipiliin ko naman ang sarili ko at ang anak ko ay mali? Letche.
"Chane!" hindi kalayuan ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Kaius.
Dire-diretso ako sa paglalakad at hindi ko siya nililingon. Wala akong balak na lingunin siya dahil napakasama niya. Ako na bigla ang masama sa mata ng anak ko ngayon?
Padabog kong isinara ang pintuan ng kwarto namin.
"Don't you dare shut the door kapag gusto kitang kausapin!" sigaw ni Kaius na dumagundong sa buong kwarto.
BINABASA MO ANG
The Inevitable Call of Love | ✓
RomanceMaraming stages sa buhay natin kung saan nagiging in denial tayo sa mga emotions at nararamdaman natin. Sometimes, we do it for the better or para lamang maiwasan ang mga kinatatakutan natin. Pero paano kung kahit anong iwas mo ay pilit ka nitong h...