First week after ng pag-uusap namin ni Kaius was smooth sailing. May pagkakataon na nagkakasalubong kami nina Miranda, Warren, Jared, at Elli sa campus pero hindi sila nag-aabala na tumingin man lang sa direksyon namin.
Nasasaktan ako everytime na nangyayari iyon ngunit dahil na din sa mga kaibigan ko, especially kay Kaius ay natutunan ko na tanggapin na lang at ipag-kibit kabilat ang lahat.
"Hindi pa ba kayo gutom? Kain muna tayo." pag-aaya ni Dash nang abutin na kami ng hapon paggagawa ng isa naming project.
Leigh, Verity, and I decided to make a group para hindi na din mahirap pa ang makipag-communicate.
Buti na lamang din talaga at hinayaan na kami ng professor namin na pumili ng makaka-grupo namin.
"Buwan, let's eat muna." malambing na bulong sa akin ni Kaius at hinalikan ang aking tainga.
Naghurumentado na naman ang aking dibdib dahil sa ginawa niya. Gustuhin ko man na kumain muna ay nasasayangan ako sa oras.
Agad akong umiling at nagpatuloy na sa gawain.
Mas mabuti ng kumain na tapos na ang mga gawain kaysa sa kumakain na may iniisip na gawain.
"Kaya pala hirap na hirap akong gawin itong part ko, kailangan naman pala ay may namimilit kumain with kiss." agad na segunda ni Leigh.
Nagtawanan kami. Patuloy ang mga lalaki sa pangungumbinsi na kumain muna ngunit hindi sila nananalo sa amin.
Kahit dali-dali ang paggagawa namin ay natapos namin iyon nang maayos at maganda. We met our expectations sa project namin.
Kahawig na kahawig ng ginamit naming inspo.
"Finally, kakain na!" ani Dash at saka pumalakpak.
Si Kaius ang nagligpit ng mga pinaggupitan namin at mga kalat. Si Dash ay busy sa paghahanap ng kakainan namin.
"Ako na diyan, magpahinga na muna kayo." mabilis na sabi ni Kaius nang makita ang pag-attempt ni Verity na tumulong.
Pinigilan ko ang mapairap. Kita ko ang mabilis na pagtingin sa akin ni Kaius nang ma-realize kung anong nangyari.
Si Dash naman ay walang pakialam dahil nagtitingin-tingin ng kakainan na malapit lamang.
He rushed towards me and locked me sa kaniyang mga bisig. "Hmm, ang sungit na naman." aniya at tumawa.
I smell the mint in his breath. Paborito ko talaga ang kaniyang pabango, very manly.
Nag-attempt siya na hahalikan ako sa noo ngunit umiwas ako at kumawala sa pagkakakulong sa kaniyang mga braso.
Hindi ko na siya hinintay na muling bumalik sa paglilinis. Nagkusa na akong damputin ang mga kalat at isinilid ito sa basurahan, wala akong narinig na pagpipigil niya nang gawin ko iyon.
Bakit si Verity ay ayaw niyang tumulong?
Tuluyan na akong nawala sa mood dahil sa mga nabuong thoughts sa aking isip. Kahit ang mga kasama namin ay naramdaman iyon kaya hindi na ako masyadong kinikibo.
Sa malapit na karinderya sa labas ng school namin napagpasyahan kumain. Kay Aling Guring na karinderya.
Bukod sa masarap ay talagang presyong estudyante ang mga itinitinda nila dito.
Habang papasok kami ay pilit niyang inaabot ang braso ko pero paulit-ulit ko itong iniiiwas sa kaniya.
Si Dash ang um-order ng mga pagkain namin bago kami humanap ng upuan.
Nang uupo na ay inunahan ko si Leigh sa upuan na nasa tabi ni Dash at hinila siya sa tabi ko.
Kita kong naguluhan siya at maya-maya din ay naintindihan ang gusto kong mangyari.
BINABASA MO ANG
The Inevitable Call of Love | ✓
РомантикаMaraming stages sa buhay natin kung saan nagiging in denial tayo sa mga emotions at nararamdaman natin. Sometimes, we do it for the better or para lamang maiwasan ang mga kinatatakutan natin. Pero paano kung kahit anong iwas mo ay pilit ka nitong h...