Dumating ako sa point na pati ang umaga ay kinakatakutan ko. Ayoko na rin kasi na magsuka, palagi na lang ako naiiyak. At sa tuwing nagsusuka ako ay para bang hinahanap ng sistema ko si Kaius.
Wala na ang mga doctor na kinuha ni Tita dito. I asked her to remove them dahil hindi ako komportable.
"Baby ko... stop na." iyak ko habang patuloy ang pagsusuka at hinihimas ang aking tiyan.
Nakaupo ako sa sahig ng bathroom. I was crying. Hindi ko mapigilan ang aking luha sa pagbuhos. Nahihilo ako at parang patuloy na hinahalukay ang aking tiyan. May kung anong bumabaliktad doon.
"Wala si Daddy, nahihirapan na si Mommy." pilit kong kinakausap ang maliit na batang nabubuo sa aking sinapupunan.
Maya-maya ay narinig kong bumukas na ang pintuan ng aking kwarto at kasabay noon ay ang malakas na mga pagsasalita. Nang tuluyan ng lumapit ang mga boses ay bumukas naman ang pinto ng banyo.
"Oh gosh, Chane?! Anong nangyayari sa'yo?" Tita Agnes rushed towards me.
Tinulungan niya akong makatayo. Patuloy ang pag-agos ng aking mga luha, at lalo pa itong bumuhos nang makita ko si Tita Agnes.
Mabilis naman na naglinis ang tatlong kasambahay sa loob ng banyo. Inihiga ako ni Tita Agnes sa aking kama ngunit bago pa man ako tuluyang makahiga ay bumaliktad na naman ang aking sikmura.
Hinawi ko sina Bebang, Lena, at Remi na kasalukuyang naglilinis doon. Puro tubig lamang naman ang aking naiisuka at iyon ang mas kinaiinisan ko.
"Tita..." I cried.
Para akong bata na naaapi. I hugged her legs nang makalapit siya sa akin.
"Iha, kaya mo 'yan." she gently brushed my hair.
"Ayoko na po. Bakit po kasi binuntis ako ng anak mo?" kinusot ko ang aking mata at patuloy ang pag-iyak.
"Stop crying at baka makasama na iyan hindi lamang sa anak mo kung hindi pati sa'yo." mahinhin na sabi ni Tita.
"Naiinis na ako kay Kaius." I said, frustrated.
"Bakit naman? Hindi naman siya pumupunta rito di ba?" naguguluhang tanong ni Tita.
"Hindi po." humagulhol ako. "Pero naiinis akong hindi niya ako pinupuntahan dito, hindi na niya ako mahal."
Umupo si Tita upang makausap ako nang maayos. Hindi ko na siya maaninag dahil sa maiinit na tubig na pumupuno sa aking mga mata.
"Iha, we have plan. Nakalimutan mo na ba?"
I shrugged. "Ayoko na po. Gusto ko na siya makita." para akong batang hindi mapakali.
Pakiramdam ko ay siya ang cravings ko. Ang dami kong gustong ipagawa sa kaniya, at iyon ang ikinaiiyak ko. Hindi naman siya ang gusto kong makita mismo. I want him to do things for me. I want his kissed at lahat-lahat.
Tita sighed. "This is for your best, iha."
Alam kong hindi ko makukumbinsi si Tita. Masyado ang pag-aalala niya para sa akin at lalo na sa apo niya ngunit talagang gusto ko ng makita si Kaius.
"Ano nga po palang nangyari na? Nahuli na po ba si Mama?" tanong ko.
Ayokong tanungin iyon dahil baka ikadurog ko ngunit may parte sa akin na gustong malaman kung ano na ang nangyari sa kanila.
"Unfortunately, no." batid ang lungkot sa kaniyang boses. "Si Kaius naman ay pinipilit na maka-move forward. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong sinusubukan ka niyang ipahanap."
Parang may kung anong nagdiwang sa puso ko nang banggitin iyon ni Tita. Para akong batang nabigyan ng lollipop.
"Hindi pa po ba natin sasabihin?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Inevitable Call of Love | ✓
RomanceMaraming stages sa buhay natin kung saan nagiging in denial tayo sa mga emotions at nararamdaman natin. Sometimes, we do it for the better or para lamang maiwasan ang mga kinatatakutan natin. Pero paano kung kahit anong iwas mo ay pilit ka nitong h...