Chapter 7

428 31 0
                                    

"Shot! Shot!" sigaw ni Miranda.

Nahihilo na ako sa ilaw na walang tigil sa paggalaw. Walang tigil sa pagpapalit-palit ng kulay.

After naming maglipat ng gamit sa condo ay dumeretso kami sa bahay nina Miranda at Maia. Well, bahay ito ni Maia na bigay sa kaniya ng parents nila.

Nang patapos na kami kanina mag-ayos ng gamit ay tumawag si Maia and she invited us. Of course, we would love to go, especially ang mga boys.

"Stop it, Miranda. It's embarrassing." bulong ko sa kaniya.

Nagtatawanan ang mga ito, binabalewala ang mga sinabi ko.

Although halos naman ng mga tao na nandito sa party ay walang pakialamanan sa mga trip sa buhay ay ako ang nahihiya para sa kanila.

As much as possible, I am avoiding alcohol.

Nakakahiya kapag nagsuka ako, shytype pa naman ang suka ko.

Inilibot ko ang mga mata ko. I saw Kaius watching me from afar. He's sipping something, I think it's vodka.

Plano ko na magbitaw ng tingin but then he smiled. I was about to smile back pero may tumawag sa akin.

"Chane! Oh my gosh, hi!" naagaw nito ang atensyon ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita na papalapit sa akin si Leigh. Hindi ko alam na she's interested din pala sa mga parties.

"Hey. Sinong kasama mo?" sambit ko at niyakap siya.

"Miranda called me kanina. Hindi naman gaanong kalayuan kaya ako na lang mag-isa ang pumunta."

She's a little bit extra today. Na-conscious naman tuloy ako bigla. Nakataas ang buhok nito at may kaunting make up na mas lalong nagpatingkad ng kagandahan nito. Her redish pink lips complimented her looks well. She is wearing gray maxi dress that really hugged her body shape well.

This is a different Everleigh. She's so pretty.

"By the way, uminom na tayo para masulit natin 'yung party. Mukhang may tama na sina Miranda." ani nito.

Mabilis akong umiling. Hindi ako nag-iinom especially kapag hindi pamilya ang kasama.

"Hindi ako iinom, sasamahan na lang kita." nakangiti kong sagot.

Ngumiwi ito. "Hindi ko kailangan ng moral support kapag nag-iinom ako, Chane."

She's right pero hindi ko talaga kayang uminom kapag hindi ko pamilya ang kasama.

"I drink occasionally, kapag kasama lang ang pamilya." dagdag ko.

Walang magiintindi sa akin dito kapag biglang napadami ang inom ko. Nakakahiya naman sa mga kaibigan ko na hindi makakapag-enjoy sa pag-aalaga sa akin.

"So, you're not considering us as a family?" naka-pout nitong tanong.

Napapikit ako nang mariin. Pag mulat ko ay hindi ko alam bakit sa pwesto nina Kaius napunta ang tingin ko.

He's still watching me. Mukha ba akong cartoons na nakakatawa? Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin kanina pa.

He didn't smile. He rested on the couch's armrest, and he crossed his legs, manly. Ganoon din naman ang kaniyang mga kaibigan, habang si Dash ay pasayaw-sayaw sa harap ng mga ito.

Ibinalik ko na lamang kina Leigh ang aking tingin. "Fine."

She clapped happily. Hinila niya ako papunta sa table na maraming mga alak. Nakikita ko pa lamang ang mga ito ay nasusuka na ako.

The Inevitable Call of Love |  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon