"How's your vacation, Luna ko?" tanong ni Mama.
We are having our dinner kasama si Ate Winter and Logan. Nang makauwi kami last week ay madami kaming inayos sa school kaya naman hindi na kami gaanong nabigyan ng chance na makapag-usap at makapagkwentuhan.
Buti na lamang talaga at ngayon ay medyo maluwag na ang schedule ng mga gagawin namin kaya nakaya na naming kumain nang sabay ni Mama kasama pa sina Ate Winter at Logan.
Tomorrow is our anniversary kaya naman madami pa din akong gagawin pagkatapos ng dinner naming ito.
"Okay naman po." tipid kong sagot at binilisan na ang pagkain.
I felt awkward kasama si Ate Winter. Alam kong deep inside ay tutol siya sa amin ni Kaius, hindi niya lamang kayang i-voice out ito.
She loves Ate Maia. Proprotektahan at porpotektahan niya ito kahit anong mangyari... even if it's against me.
"Tagal n'yo na ah. Saya?" biglang sabi ni Ate Winter. Sarcastic.
Ibababa ko sana ang aking mga kubyertos nang makita kong hinawakan ni Logan ang kamay ni Ate Winter upang pigilan ito.
"Sobra." mahinahon at tipid kong sagot.
Nag-angat ako ng tingin sa kanila kahit alam kong hindi ko kakayaning sumagot sa kanila nang hindi umiiyak. Na walang kahit isang butil ng luha ang tutulo mula sa aking mga mata.
I can sense and see the range in her eyes. How can she hate me?
"Ate Winter. Chane." ma-awtoridad na tawag ni Logan.
I've never heard him this serious.
Ikinalma ko ang sarili ko bago ako nagpatuloy na kumain.
Sobrang bigat na ng pakiramdam ko dagdag pa ng atmosphere sa dining. Tila ba kalkulado na lamang ang magiging galaw ng bawat isa.
"Tita..." nagsusumamong tawag ni Ate Winter.
What now?
She's reaching for Mama's hand now. Nilalabanan ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa kaniyang mga mata.
Really? Hindi pa din tapos ang isyung iyon hanggang ngayon?
"Ate Winter." madiin na tawag muli ni Logan.
Kita ko ang madilim na aura nito. Nag-iigting na din ang kaniyang panga at ang kamay na nakahawak kay Ate Winter kanina ay nakakuyom na ngayon.
"You love Maia, Tita. Alam mo naman 'yung nangyari noon, di ba?" may tumulong luha sa mata ni Ate Winter. "Hindi niya sinasadya lahat ng nangyari noon...uh... I thought you understand her?"
Ate Winter sounds so desperate. Tila ba kinukumbinsi niya si Mama na kampihan at tumayo sa side niya.
Tumingin sa akin si Mama. May awang tingin ang iginawad niya sa akin. Wala akong maiganti sa tingin niyang iyon.
Nakatingin lamang ako sa kaniya. Blangko.
Naramdaman ko na lamang ang kamay ni Logan sa aking kamay. Pinisil niya ito, may ipinapahiwatig.
"Winter... Hindi ko kaya ang hinihingi mo sa akin." patuloy na umiiling na sabi ni Mama.
Ano? Anong hinihingi sa kaniya ni Ate Winter?
Inilipat ko kay Ate ang tingin ko.
"What, Ate Winter? Anong hinihingi mo kay Mama?" pinipilit kong maging mahinahon kahit na nagsisimula ng mabuo ang galit sa aking dibdib.
Nabaling sa akin ang tingin niya. "Don't you dare raise your voice at me, Chane!" sigaw niya at tumayo para duruin ako.
"I'm just asking you..." binabaan ko ang boses ko. "Dinamay mo pa si Mama, hindi ka na nahiya."
BINABASA MO ANG
The Inevitable Call of Love | ✓
RomanceMaraming stages sa buhay natin kung saan nagiging in denial tayo sa mga emotions at nararamdaman natin. Sometimes, we do it for the better or para lamang maiwasan ang mga kinatatakutan natin. Pero paano kung kahit anong iwas mo ay pilit ka nitong h...