Chapter 15

353 25 0
                                    

Iginaya ako ni Dash papunta sa table na ni-reserve ni Kaius para sa aming dalawa. Wala pa din siya hanggang ngayon. Umalis na si Dash pagkahatid sa akin, nagpaalam naman siya.

Sobrang elegante ng lugar. Pula ang nangingibabaw na kulay at ultimo mga disenyo na ginamit sa lugar. Mababatid na mga sosyal at mayayamang tao ang naririto dahil sa mga kilos at pananamit nila.

It's been 30 minutes at wala pa din siya. Medyo naiiyak na ako dahil parang may pakiramdam akong kakaiba.

"Please, come..." mahinang bulong ko.

Kinakagat ko na ang aking kuko dahil sa stress. Isang oras pa ang lumipas ay wala pa din kahit anino ni Kaius ang nagpapakita. Hulas na ang make up dahil sa paunti-unting luhang lumalandas sa aking mukha.

"How can he disappoint me sa araw pa talaga ng anniversary namin." mahina ko pang bulong.

I was super disappointed. Nahihiya na ako. Lalo na sa mga waiter na kanina pa pabalik-balik upang tanungin kung anong o-order-in ko.

I kept saying na hinihintay ko pa 'yung date ko pero talagang hindi sila magpatinag.

Maya-maya pa ay nabuhayan ako ng loob nang makita ko ang humahangos na si Kaius na papalapit sa table namin.

I don't know what to feel o kung ano ang dapat kong itanong sa kaniya. Should I ask him kung saan siya galing at bakit ngayon lamang siya?

"Sorry, Buwan. May inasikaso lang ako, naka-order ka na ba?" tila seryoso nitong tanong.

Inayos niya ang sarili niya at pinasadahan ang mga kubyertos na nakahanda sa aming harapan. Napalunok ako at umiling upang sagot sa tanong niya.

"Let's order, then. I won't make this any longer because I have important things to do and say."

Kumabog ang aking dibdib. Pagkatapos niya akong paghintayin nang halos dalawang oras ay ganito lamang ang sasabihin niya sa akin?

Even his eyes. Salungat ang ipinapahiwatig sa kaniyang sinasabi ngunit hindi ko mawari iyon.

At mayroon pa siyang importanteng gagawin? Mas importante kaysa sa mga nakaplanong gawin namin para sa araw na ito? How pathetic, right?

"Huwag na tayong um-order." pigil ko nang akmang tatawag siya ng waiter. I will give him what he wants. "Ano 'yung importante mong sasabihin?"

Sumandal siya sa kaniyang upuan at deretsong tumingin sa akin. He's stared at me blankly. Wala akong mabasang kahit anong emosyon, hindi katulad kanina.

Sa hindi ko malamang dahilan ay parang may kung anong bumara sa aking lalamunan.

"Say it, Kaius." ulit ko.

Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin tila ba pinakikiramdaman ang aking magiging reaksyon. Sino ba itong nasa harapan ko? Is this even Kaius?

My chest starts to feel heavy. My eyes are starting to cloud, and I feel like anytime, it will rain.

"Let's break up."

Tila nabingi ako nang sabihin niya iyon. Hindi matanggap ng aking tainga ang narinig.

Break up? He wants to break up with me?

What kind of bullshit was that?

I laughed sarcastically. "Stop with the jokes, Kaius."

Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin na walang kahit anong emosyon ang ipinapakita. He dressed up kaya imposibleng pumunta lamang siya dito upang makipag-break. Hindi. Hindi ako naniniwala.

He loved me. He loves me. Imposibleng biglang hindi niya na ako mahal.

"Mukha ba akong nagbibiro, Buwan?"

The Inevitable Call of Love |  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon