"Hanggang ngayon ay wala kayong planong sabihin sa akin ang totoo tungkol sa anak ko?" dumapo ang tingin niya sa akin.
Ang kaninang punong-puno ng galit niyang mga mata ay napalitan ng sakit. Alam ko, kasalanan ko iyon.
"H-Hindi iyon ganon, g-gusto ko lang p-protektahan a-ang apo ko..." depensa ni Tita.
Napayuko ako. Ito na naman siya, palagi na lang poprotektahan at ginamit niya rin sa akin iyon ng matagal na panahon. Nakakarinding marinig na kahit kay Kaius ay ginagamit niya iyon.
"Protect her from what, Mom? From me? From his own father?" tuluyan ng nabasag ang boses niya. "I was supposed to be with Chane when she was pregnant, but I wasn't, you hid everything from me..."
"H-Hindi ko sinasadya." pinilit kong palakasin ang boses ko.
"Alam ko..."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil sa sinabi niya. Akala ko ay magiging kasing galit siya sa akin kagaya ng galit niya kay Tita lalo pa sa mga nasabi niya sa akin kanina.
"Paano mo pala nalaman na nandito kami?" tanong ni Tita.
"Iyon ba ang mas importante ngayon?" matigas na sagot ni Kaius. "Kukuhanin ko ang mag-ina ko, I will take care of them."
Something seemed to celebrate in my chest because of what he said but there was still fear that remained there. I don't know how to deal with him now, for almost five years, pakiramdam ko ay mahihirapan ko sa pakikipag-usap sa kaniya.
"No. Sa akin sila titira." pagmamatigas naman ni Tita.
Hindi ko na siya maintindihan sa puntong ito. Alam ko na gusto niyang maprotektahan si Francia pero bakit naman aabot pa sa ganito?
Hindi ko naman ipagdadamot ang anak ko sa kanila.
"That's not happening, Mom." umigting ang bagang nito. "Five years of hiding is enough; I will take up my responsibility to my wife and to my daughter."
Napaiyak na lamang si Tita sa sinabi ng anak. Tila ba kahit siya ay hindi niya magawang tutulan ang sinabi ng anak.
She looked at us before leaving na walang kahit anong sinabi. Nakayuko lamang ako sa harap ni Kaius. Kinakain pa rin ako ng guilt.
"Let's go back, baka hinahanap ka na ng anak natin." aniya sa isang pagod na boses.
Umuna siyang maglakad at saka ako sumunod. Sa halos limang taon ay madami ang nagbago, madami ang nangyari sa aming dalawa, panigurado iyon.
"Iwan niyo muna kami." utos niya sa tatlo na tila gulat na gulat nang makitang magkasama kaming pumasok ni Kaius sa kwarto.
"O-opo."
Binalot kami ng katahimikan nang tuluyan ng makalabas ang tatlo. Nakatitig lamang siya sa anak namin at maya-maya ay nilapitan niya ito.
"Anong nangyari?" tanong niya sa isang mababang boses, nag-iingat upang hindi magising ang bata.
"Muntikan na siyang malunod." sagot ko. "Sina Bebang, Lena, at Remi ang kasama niya maligo dahil may... regla ako."
Gusto ko na lamang magpakain sa lupa dahil sa sinabi kong iyon. Bakit ko ba kailangan pang sabihin ang parting iyon? Nakakahiya ka naman, Chane!
"Buti at dito niyo siya dinala?" taas-kilay niyang tanong.
"Wala ng nakapigil sa akin noon, ako na ang nag-drive ng speed boat para mailigtas lamang ang anak ko... natin."
Noong panahong iyon ay ang nasa isip ko lamang talaga ay ang mailigtas ang anak ko, kahit pa lumabas na kami sa isla.
"Hindi ka man lang ba gumawa ng paraan para tawagan ako?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Inevitable Call of Love | ✓
RomanceMaraming stages sa buhay natin kung saan nagiging in denial tayo sa mga emotions at nararamdaman natin. Sometimes, we do it for the better or para lamang maiwasan ang mga kinatatakutan natin. Pero paano kung kahit anong iwas mo ay pilit ka nitong h...