Chapter 27

297 21 0
                                    

Wala ng nagawa si Mama kung hindi ang umalis na lamang sa tulong na rin ng mga guards. Naiwan akong nakatulala. Natuyo na ang mga luha sa aking mukha, at tila nakuha na ng mga nangyari kanina ang lakas ko.

Tita and Tito went straight to their room. Hindi ko na alam kung nasaan si Zhara dahil pati ako ay pinadiretso na ni Kaius sa kwarto. Saka ko lamang na-realize na hindi ko na pala nakikita sina Leigh dito sa bahay. 

"Asan sina Leigh? Umalis ba sila?" tanong ko kay Kaius. 

"Ah... Hindi ko lang alam dahil ang alam ko ay may problema sila ni Nathan ngayon." sagot nito. 

Napakunot ako ng noo. "Lumala ba?" 

"I think, yes. Hindi naman siguro sila aalis pa rito kung naayos nila. Idagdag pa sina Tita Eileen and Tito Lorencio."

Tumango-tango ako. Nakaramdam ako ng pag-aalala para kay Leigh, hindi na namin napag-usapan ang mga nangyari sa kaniya dahil i was mentally unavailable. Hindi ko man lang siya mabawian sa mga nagawa nila para sa akin noon. 

"Are you okay?" tanong niya.

Mababasa kaniyang mga mata ang lungkot ngunit pilit niya iyong tinatakpan. Sinusubukan pa rin niyang ngumiti sa kabila ng mga nangyari.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo." tutol ko. "Okay ka lang ba?"

Mabilis ang pagtango niya. "Bakit naman hindi?" tanong niya pabalik. "Nanay mo pa rin siya, Chane. I can't just hate her."

Agad na nag-init ang gilid ng aking mga mata sa sinabi niya. Bakit ba ganito siya? At this point, I would prefer a ruthless Kaius. At kung aaminin man niya na galit at kinasusuklaman niya ang mga taong nanakit sa kaniya at nagpahirap sa kaniya noon, kasama na ang nanay ko ay maiintindihan ko pa rin iyon. Ngunit hindi. Hindi siya ganoon.

"Hindi mo na ako dapat iniisip. You should be worried about yourself." masungit nitong sabi. "You stressed yourself out even more, hindi iyon maganda sa iyo."

He brushed my hair using his fingers. "You should smile often, Buwan. You look more beautiful." he said and starred at my face as if he was adoring it.

I made a sad face. "So, if I look like this, I'm ugly?"

He chuckled. "Of course not! What I mean is, wearing smiles are free, why not avail it every day 'di ba?"

Tumingin siya sa kisame at huminga nang malalim bago ibinalik sa akin ang tingin. I was just starring at him like a child adoring her crush.

"But I understand a few that doesn't want to avail those smiles because sometimes, the person who will wear those are the one's who are mentally and emotionally unavailable. They are not happy, their minds are messy, and even they cannot understand their own feelings." dagdag niya.

I immediately smiled when I heard that. I didn't expect that he was the one who should also contradict what he said and that makes even more sense.

"Kaius..."

Napatingin siya sa akin. "Why?"

"Do you not consider stopping this relationship?" tanong ko.

He looked away. "No. Hindi ko man lang naisip iyan." he answered firmly. "Why? Are you considering it now?" I sense the bitterness in his voice.

I shook my head. "Just asking."

Agad na sumilay ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa naging sagot ko. Hinalikan niya ang aking noo bago ibinaba ang halik sa aking labi. It was a kiss full of love. Full of assurance and gentleness. I think he was expecting that I might consider it kaya ganoon na lamang ang kaniyang naunang reaksyon.

The Inevitable Call of Love |  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon