Chapter 13

354 27 0
                                    

"Dali na. Sabayan mo lang ng tubig ang gamot." pilit ko.

Lahat na kami ay andito sa kwarto namin para pilitin si Kaius na uminom ng gamot. Kanina pa kami sa pamimilit sa kaniya.

"Ayoko n'yan. Are there no other alternatives?" masungit nitong sambit.

Sinamaan ko siya ng tingin at umupo sa kama niya. "Baby, isabay mo siya sa tubig then you'll realize na wala na siya sa bibig mo."

Nagliwanag ang mata nito at saka ngumiti sa akin. "Ikaw magsubo sa akin, iinumin ko na."

Agad na nag-angalan ang mga kasama namin sa kwarto, nangingibabaw si Dash.

Napatingin kami sa kaniya. Si Verity ay nakaupo katabi niya at kalong-kalong si Leigh. Habang si Dash at Nathan ay nakatayong magkatabi sa ibaba ng kama namin.

"Katalandian naman. Respeto naman sa hindi maka-score."

Napahalakhak ako dahil sa naging reaksyon ni Verity. Nakasibangot na ito habang si Dash naman ay patuloy lamang sa pagtawa.

Leigh and Nathan were holding their stomach dahil sa pagtawa. I can't believe these people.

"Sige na, Kai. Konti na lang 'yung pasensya ko." sambit kong muli.

Sumimangot ito at unti-unting ibinuka ang bibig.

"Wag ka magalit naman."

Napangiti ako. Gaya ng gusto niya ay isinubo ko sa kaniya ang gamot and I handed him his water.

Halos maubos niya ang isang basong tubig. After a minute, ibinuka niya ang bibig niya para ipakitang wala na doon ang gamot.

Nagpalakpakan kaming lahat. Abot langit naman ang ngiti niya, parang bata.

"See? Kayang-kaya mo, Kai." agad na sabi ni Nathan.

"Kaya nga. Ana'y bata lagi, angas-angas sa school tapos sa gamot lang pala titiklop." dagdag ni Leigh.

"Wala 'yang gamot na 'yan kung naubusan ng pasensya si Chane." gatong naman ni Dash.

"Huwag n'yo ng pag-trip-an 'yang mga yan. May sakit pa si Kaius, tara na lumabas." pigil sa kanila ni Verity.

"Disclaimer. Hindi dapat magselos sa sinabi ko." mabilis na saad ni Verity habang naka-peace sign.

Agad na napunta sa akin ang tingin ng mga taong nasa kwarto. Naramdaman ko naman ang braso ni Kaius na nakapulupot na sa aking beywang then chuckled.

Hinampas ko ang braso niya at mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.

"Tara na lumabas, pasakit na nang pasakit sa mata." padabog na sabi Leigh.

Naglabasan na sila, huli si Leigh. Nag-flying kiss ito bago lumabas.

"You're mad at me na naman kanina." malambing at pabatang sabi ni Kaius.

I hugged him tightly. "Hindi ah. Sabi ko lang ay paubos na ang pasensya ko." saad ko. "You need to drink your meds dahil hindi ka gagaling kapag hindi ka uminom 'non."

"Kiniss mo na lang sana ako." ngingiti-ngiti nitong sabi. "Dadampi pa lang, magaling na agad."

Hinampas ko siya na ikinatawa niya naman. Talagang alam na alam niya kung paano niya ako kukunin. Alam niyang sa mga salita niya pa lamang ay tiklop na ako kaagad.

"Let's walk." aya ko sa kaniya habang nag-aayos ako ng buhok.

I want to make the most out of this vacation. Kung hindi lamang siya nagkasakit ay magwa-water sports kami.

The Inevitable Call of Love |  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon