Chapter 21

291 27 0
                                    

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi nang patuloy kaming balutin ng katahimikan. I let him explain. Pinayagan ko siyang ipaliwanag sa akin ang lahat ng mga nangyari. Naisip ko si Dash. Is this the explanation he's been telling me about?

"Hindi ko hinihinging paniwalaan mo ang lahat ng sasabihin ko..." panimula niya sa isang seryosong tono. "I just want you to know what really happened." 

He's looking at me with intense eyes. Nagsisimula pa lamang ay mabigat na agad ang atmosphere sa sala. Magkaharap kami ngunit hindi ako tumitingin nang diretso sa kaniya, salungat sa ginagawa niya ngayon. His eyes were all on me dahilan para mahirapan akong gumalaw at kalkulahin halos bawat kilos ko.

"Go on, I'll try my best to understand and believe you..." sagot ko sa isang malamig na tono.

Iyon nga ang gagawin ko. Sa lahat ng kasinungalingan na narinig ko ay totoong mahihirapan akong timbangin kung nagsasabi pa ba siya ng totoo o puro kasinungalingan na lamang lahat.

"It's my choice to break up with you..." I gasp nang banggitin niya iyon. Hearing those words tortures me. "But hurting you wasn't my intention." dagdag nito.

Iyon ang pinaka hindi ko maintindihan sa lahat ng rason niya. Clearly, maa-anticipate na niya dapat na masasaktan ako once na magdesisyon siya na hiwalayan ako. Anong hindi niya intensyon? Pwe.

"I had no choice. That time, mas pinili kong isalba ang buhay n'yong dalawa ni Zhara even if it means losing you." nabasag ang boses nito.

I looked at him to check. Nakayuko na ito at pinaglalaruan ang mahahaba niyang daliri. 

Anong ibig sabihin niyang isalba ang buhay namin ni Zhara? We were okay. Sobrang ayos ng buhay ko noon, naging miserable lamang noong iwan niya ako. Does he meant to save me from him? Mas maiintindihan ko pa siguro kung iyon ang sasabihin niya.

Matagal niya bago nasundan ang sinabi niyang iyon, as if he was collecting all the bravery he needs to spill out the truth. Huminga ito ng malalim at tumingala bago muling itinapon sa akin ang tingin. That's when my eyes met his bloodshot eyes.

He smiled at me. Puno ng lungkot iyon.

"Natakot akong mawala ka. Sobrang natakot akong mawala kayo." he was fighting for his voice not to crack. "Kayo lang ang meron ako that time kaya ginawa ko ang lahat para ipaglaban iyon but I was not strong enough..." isa-isang tumulo ang luha nito.

My body is starting to feel cold. Hindi ito handa sa mga naririnig. Wala pa namang masyadong makukuha dito ngunit ramdam ko na kung gaano kasakit ito. Why do I suddenly feel guilty na nagalit ako sa kaniya?

"Maia forced me to have sex with her and do the things she wanted para lang maisalba ang buhay ng kapatid ko." he paused. Humikbi siya.

Unti-unti ay namuo na ang bara sa aking lalamunan. Hindi ko kailanman naisip na makikita ko siyang umiiyak nang ganito sa aking harapan. Malumanay ang bawat mga tingin niya, puno ng lungkot at galit.

Inihilamos niya ang palad sa kaniyang mukha bago huminga nang malalim. "Kapag hindi ako pumapayag, pinapabugbog niya ako sa mga tauhan niya..." he smiled as he removed his jacket. Punong-puno ang katawan niya ng mga peklat at pasa. "Ito ang dahilan kaya palagi akong naka-jacket."

Napahawak ako sa aking bibig. Isa-isa kong tiningnan ang mga sugat niya. Mga peklat pa lamang nito ay alam mong napakahirap na ng pinagdaanan niya. Hindi ko alam. Wala akong alam.

Ngayon ko lamang napansin na nakasalamin pa din pala siya.

"K-Kaya ka din ba nakasalamin?" tuluyan nang nabasag ang aking boses.

Nangangatal na ako. Nangangatal ako sa magkakasamang galit at lungkot. Mas lalong nadiligan ang galit ko kay Ate Maia. No one deserves that lalo na siya.

The Inevitable Call of Love |  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon